Una sa Balita

ANSABEEEH???: SANDARA, BINAWALANG MAG-‘PINAS’!

By
0 119

Dahil sa kaguluhang nangyayari nga­yon sa Marawi, apek­tado rin pala nito si Sandara Park. Sey ng source namin, hindi ito makauwi sa bansa kahit may pro­jects sanang gagawin.

런닝맨.. 나도 한번 살아남아보자! 불끈!!! ????

A post shared by Sandara Park (@daraxxi) on

Ayaw raw itong pa­yagan ng management sa Korea sa takot nga dahil sa mga news.
Kahit daw sinabi ni Sandara na safe naman at malayo sa Manila ang Marawi.

Sabi nga ng source namin, “Knowing Sandara, alam niyo namang sobrang love niya ang Pinas. Gusto talaga nu’n laging umuuwi.”

Bukod dito, may plano na rin si Sandara na bumili raw ng sariling condo unit. Madalas kasi, sa Hotel lang ito nag-iistay kapag nasa bansa.

LOVE PENTAGON!

Lalabas na ngayong linggong ito ang karakter ni Bea Binene bilang si Anya sa telefantasya na Mulawin vs. Ravena. Natupad nito ang isa sa wish ni Bea na role.

Nag-aral ng wushu si Bea pero hindi pa rin naman daw niya nagamit ng bongga ang pagiging wushu girl.

Si Bea rin ang isa sa may maraming love angle rito na ang description nga niya, hindi na love triangle kung hindi love pentagon dahil may konek siya kay Miguel Tanfelix, David Licauco, Kiko Estrada at Derrick Monasterio.

Pero siyempre, no doubt na sila pa rin ni Derrick ang partner sa MvsR. Masaya at kumportable raw siya kay Derrick na nagsunod-sunod nga ang team-up nila.

Hindi sinasara ni Bea ang possibility na maging sila na sabi nga niya, “Hindi po imposible.”
Pero kilala raw kasi niya si Derrick kung nang-eetchos o seryoso.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More