Una sa Balita

ANSABEEEH???: RYZA CENON, GALIT NA GALIT SA BASHERS!

By
Ryza
0 8

PAMILYA AT DYOWA NIYA, BINANTAANG PAPATAYIN!

Nagpaka-“Georgia” na si Ryza Cenon sa social media dahil sa hindi na niya pinalampas na pangba-bash at ma­tinding mga salita at threat na binitawan sa kanya ng isang netizen o obviously, isa sa mga passionate viewer ng Ika-6 Na Utos.

Grabe naman talaga yung post kay Ryza na pinagbibintangan nito na sinasaktan daw at tinototohanan daw ni Ryza ang pananakit sa “anak” niya sa serye na si Angelica Ulip o ang batang si Sydney/Milan.  Sinabihan pa nito si Ryza kung alam daw ba nito kung ano ang epekto nun sa bata at kesyo mapapapatay raw si Ryza ng nanay ng bata sa ginawa nito.

At saka pinagbantaan si Ryza na paano raw kung baligtad ang sitwasyon at sey pa nito, o ‘di raw kaya ay papatayin nila ang magulang, kapatid o yung boyfriend ni Ryza na si Cholo Barretto. Mamili raw si Ryza kung sino ang uunahin nila.

Sunud-sunod ang Twitter post ni Ryza at halatang-halata kung gaano ito nagalit sa natanggap na tweet.

Aniya sa basher, “Ang gusto kong maunang patayin mo yung utak mong makitid. Pano mo alam na totoo ko syang sinasaktan? Nasa taping ka ba namin? 

“Kaharap ko mommy nya ginagawa ko yun. Wag kang tanga dahil una sa lahat sino tao gustong saktan ang bata? At wag mong dadamay pamilya ko. Lahat ng hate messages nyo sa akin tinatanggap ko pero wag nyong sasama mahal ko sa buhay. Gusto mo pa track kita? Saka mo sabihin yan sa harap ko.”

Nakatikim na tuloy ng mura ang basher kay Ryza na kering-keri rin palang ipatikim ang side ni Georgia kapag napaga­lit siya ng todo sa totoong buhay.

Sey pa niya, “Kung hindi mo alam ang nangyayari sa trabaho namin itiklop mo yung makitid mong utak. Think before you click. Stupid!”

May nangahas pang magtanong kay Ryza kung bakit daw ang husay nito sa role ng kabit at kung naging kabit na rin daw ba ito.

Sinagot ito ni Ryza nang, “Hindi magaling lang talaga ko kaya damang-dama mo rin pagi­ging basher ko. Thanks besh ha. Nakaka-relate ka ba? Georgia ka siguro.”

At sa huli, muli niyang binigyang-diin na sa rami na nga naman niyang natatanggap na hate, pangba-bash at kahit pangti-threat pa sa kanya sa social media dahil nga sa role niya sa number one afternoon serye na Ika-6 Na Utos, ibang usapan na talaga kapag ang pamilya na niya ang idinadamay.

“To all haters, ma­galit na kayo, isumpa ako at sabihin mamatay na ko. Ok lang sa akin pero wag nyong idadamay mahal ko sa buhay. Aawayin ko kayo.”

Matthias Rhoads, 7-years  nang walang dyowa!

Mula sa pagi­ging office boy sa New York City at sa dalawang linggong bakasyon lang sana, heto at leading man na si Matthias Rhoads sa kanyang full-length primetime series sa GMA-7, ang Super Ma’am na magsisimula nang mapanood sa Lunes, September 18.

At ang leading lady lang naman niya is no-less but the Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera. So, totoo nga ang kuwento ni Marian na nagnu-nose bleed sila kay Matthias dahil iilan lang ang alam na salitang tagalog.

So, hindi lang leading lady si Marian kay Matthias, tagalog tutor na rin dahil tinuturuan daw siya nito ng mga tagalog words.

Nang mag-audition daw siya at nang malaman niyang siya nga ang nakuha sa Super Ma’am, wala raw talaga siyang ideya pa kung gaano ka­laking artista si Marian.

Nang malaman nga raw niya, that time pa lang, na-intimidate na siya nang makita niya as his term, “how she’s important!”

Na-overwhelm ba siya nang malaman niya kung kanino siya magiging leading man?

“I wouldn’t say overwhelming is a word. I would say, it’s a great opportunity to learn you know, something from somebody who knows the business and she’s been doing it for years.”

Anyway, personal choice raw niya na manatiling single for seven years.

Aniya, “For me, if I’ll have a relationship with somebody, I have to be thinking of forever. 

It’s a waste of my time and spending so much time with a girl who doesn’t want it for the rest of my life.”

Pero sa huli, hirit din niya, “I’m single but I mingle. Ha ha ha!”

Bukod kay Matthias, leading man din ni Marian sa Super Ma’am si Jerald Napoles.

Kiko, full  support sa  Barbie-Jak relasyon!

Mami-miss daw ni Kiko Estrada ang lahat ng kasama niya sa Mulawin vs. Ravena mula sa staff, crew at mga kasamang artista.

Sey pa niya, “Yung experience ang pinaka-importante sa akin kasi, memories yun.”

Finale episode na nga ng MvR ngayong gabi sa primetime ng Kapuso network. At dahil sa MvR, naging favorite raw niya si Chynna Ortaleza.

Sey ni Kiko, “Napa­kagaling kasi niya. May isang eksena na pinagsasabihan niya ko, hindi ko alam kung bakit ganun, dahil lang sa tono, tala­gang ang galing.”

‘Yun nga lang, dahil sa karakter niya bilang si Rafael, hanggang sa ending ngayon ay naghaha­mon siya ng laban sa mga Mulawin. Kaya kaabang-abang kung ano nga ba ang kahihinatnan ng laban at galit sa pagitan ng mga Mulawin vs. Ravena.

Single pa rin daw si Kiko ngayon pero happy raw siya sa ex-girlfriend na si Barbie Forteza na may Jak Roberto na.

“I’m happy for Barbie. I heard it from Bea (Binene). You know what, I’m happy for them. If that’s what they want, I’m full-support kasi ako nga, I wanna be the best actor here.”

Hindi naman daw niya kilala pa talaga ng lubusan si Jak. Same goes sa isa pa niyang ex-girlfriend na si Kim Rodriguez na hindi rin daw niya kilala ang boyfriend, pero kilala naman daw niya ang mga ito na matured at seryoso.

Sa part daw niya, hindi niya muna prayoridad ang lovelife, ang priority raw niya, ang ma-prove sa lahat ang pagiging actor niya.