Una sa Balita

ANSABEEEH???: ROCHELLE, HANDA NANG PABUNTIS KAY ARTHUR!

By
0 235

Sa August 8 ang kasal nina Arthur Solinap at Rochelle Pangilinan. Memorable sa kanila ang araw na ito dahil sa mismong araw rin na `yon ang ika-9 years anniversary nila bilang mag-boyfriend-girlfriend.

At the same time, unang araw naman ng taon nila bilang ganap na mag-asawa na.

Sa Los Arboles, Tagaytay ang wedding ceremony at ang reception. Ang Pastor ng Victory Christian Fellowship ang mag-o-officiate ng wedding nila bilang parehong VCF baptized ang dalawa.

Kuwento ni Rochelle, si Arthur daw ang nagdala sa kanya sa VCF pagkatapos na magkaroon siya ng isyu noon sa Boracay.

Star-studded ang wedding dahil pawang mga kaibigang artista nila ang karamihang kasama sa entourage. 

Tatayong Best Men ni Arthur sina Michael V, John Feir, Carlo Gonzales at Dingdong Dantes. Maids of Honor naman sina Luane Dy, Max Collins at Andrea Torres.

Si Marian Rivera sa veil, Sunshine Dizon sa cord at sa halip na flower girls, mga Bride’s Angels ang inilagay ng dalawa at ang mga ito ay sina Angelika dela Cruz, Jolina Magdangal, Glaiza de Castro, Mia Pangyarihan, Winwyn Marquez at Alessandra de Rossi.

Groomsmen naman sina Geoff Eigenmann at Gabby Eigenmann.

19 pairs ang napili nilang Ninong at Ninang na ayon din sa dalawa, napili nila dahil talagang naging malapit sa kanila.

Kabilang siyempre ang mga Eat Bulaga hosts na sina Senator Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Gayundin sina Mr. Antonio Tuviera at Malou Choa-Fagar.

Ang mommy ni Dingdong na si Mrs. Angeline Dantes, Gina Alajar, Joy Cancio, Lilybeth Rasonable at ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez.

Strictly formal black ang request na isuot ng mga bisita at black din ang napiling motif’nila katulad ng napakagandang invitation nila na may nakasaad na, “In God’s Perfect Time.”

Nakikita namin kung gaano ka-hands-on sa kanilang kasal sina Rochelle at Arthur. Sila rin ang personal na nag-aabot/dala ng kanilang wedding invitation.

Sabi nga nila, after nine years, inihanda talaga sila ni Lord sa panibagong chapter ng buhay nila.

Kaya nakikita rin namin ang readiness at excitement nila sa pagiging mag-asawa and soon-to-be parents.

At naniniwala silang ang kasal na magaganap sa kanila ay mangyayari lang sa buhay nila once in a lifetime. So it means, sila na raw forever. 

Glaiza, eeksena sa MvR!

Nang bumisita kami sa taping ng Mulawin vs. Ravena ay nabanggit na meron mula sa Encatandia na darating at makakasama ng mga mulawin at ravena. Pero ayaw pang i-reveal.

Pero tama nga ang hula namin na si Glaiza de Castro ito bilang si Pirena. Nag-post na kasi ito sa kanyang Instagram account at sinabing, “Avisala, Avila.”

Isa si Bea Binene sa nag-comment sa post ni Glaiza at in bold letter ay sinabing SEE YOU SOON. Sinagot ito ni Glaiza nang, “Surprise ha ha! See you!”

Bukod pa kay Glaiza, mapapanood din sa MvsR si Mikee Quintos na gumaganap naman bilang si Lira.

Nakita namin ang mga comments ng netizens at kung pagbabasehan ang mga comments, tama ang desisyon ng management na ibalik ang dalawang Sang’re sa MvsR dahil ang daming natuwa at na-excite na mapanood ang mga itong muli.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More