Una sa Balita

ANSABEEEH???: Rochelle at Arthur, paurong nang paurong ang kasal!

By
0 2

Kahit na nag-propose na si Arthur Solinap kay Rochelle Pangilinan nitong February, at ang unang balita nga namin ay this year din sana nila plinanong magpakasal, pero na-move na ito.

Ayon kay Rochelle, talagang wala pa raw silang anumang plano for the wedding, ‘yung pag-upo rito ay sisimulan pa lang daw nila. Hindi sinabi ni Rochelle kung kailan nila ito naa-eye, pero, posible raw na sa isang taon na sila magpapakasal.

Mas gusto raw nilang pareho ni Arthur na ma­ging practical sa wedding. Naniniwala si Rochelle, whom, she believes herself to be practical na tao talaga na hindi na kailangang magpaka-engrande at gumastos ng napakalaki on the wedding day itself, mas gusto raw nilang maging practical at intimate ang magiging kasal nila.

Kung paano rin daw, intimate na ginawa ni Arthur ang naging proposal sa kanya. Mariin naman ang naging pagtanggi ni Rochelle nang may magtanong dito na live-in na raw sila kaya siguro okey lang na parang postpone ang wedding nila.

Rochelle Pangilinan
Rochelle Pangilinan

Consistent si Rochelle sa pagsasabing hindi pa sila nagsasama sa isang bahay ni Arthur at ‘yun daw talaga ang totoo. May sarili siyang bahay at may sarili rin bahay si Art.

Tila mas lalong naisantabi muna ang mga plano for their wedding dahil sa pagpasok ng Encantadia kunsaan, si Rochelle ang gumaganap sa role ni Agane. Super kontrabida ang role ni Rochelle rito na ang sabi niya, pinakamala­king opportunity raw na ibinigay sa kanya ng GMA 7. Masasabi raw niyang isa sa mga dream role niyang talaga ang character niya bilang si Agane at sa pilot episode pa lang ng Encantadia bukas, July 18, after ng 24 Oras ay siguradong mapapanood na siya.

At dahil sa tagal daw isuot at ihubad ng mga costumes nila kaya wala na raw talaga siyang hubaran. And since seksi-seksihan naman si Rochelle kaya ang kaibahan ng costume niya ngayon bilang isa sa mga warrior sa dating costume ni Leila Kuzma na siyang si Agane before, litaw na ang tiyan at pusod niya.

Toni, bugnuting buntis!

At dahil feel na feel na nga ang pasukan at siyempre pa, kasabay ang iba’t ibang baha, hindi nagpapahuli ang longest running kiddie-gag show na  Goin’ Bulilit.

Mapapanood ngayong gabi ang temang stranded sa school at ang stranded sa school gags. Nandiyan din ang segments ng mga bulilits na Salamat Joke, Nathan vs Math, Ang mga Kawawang Cowboy, Hay! Tatay! Ang musical na Juicy Wiggle.

Toni Gonzaga
Toni Gonzaga

Hindi madaling mag-maintain ng programang mga bata talaga ang nasa cast, pero ang Goin’ Bulilit ang maituturing na sa ngayon, pinakamatatag na kiddie gag show at masasabing naging bahagi at kasabay na rin halos sa paglaki ng mga bata at ngayon nga ay mga dalaga at binata na.

Look na lang sa mga successful graduates ng GB na sina Kathryn Bernardo, Julia Montes, Miles Ocampo, Jane Oineza, Nash Aguas at marami pang iba.

Pero bago ang Goin’ Bulilit, major laugh trip siyempre kasama ang solid barkada ng Banana Sundae na sina Pokwang, Angelica Panganiban, Jessy Mendiola, JC de Vera, Pooh, John Prats sa hapon.

At kagabi, sa Home Sweetie Home, bugnutin din kaya sa totoong buhay si Toni Gonzaga ngayong buntis siya? Sa HSH kasi, dahil kasagsagan ng pagbubuntis niya kaya halatang-halata ang pagiging mainit ng ulo niya bilang si Julie.

Nagbigay aliw naman ang mga special guests na sina Jojo Alejar, Jaiho, Bernard Palanca at Maricar Reyes.