Una sa Balita

ANSABEEEH???: Richard, ‘di napangatawanan ang ‘depensa’ kay Lucy vs. CHR!

By
0 13

Ang huling post pa ni Lucy Torres-Gomez, Congresswoman ng Ormoc, City ay noong September 8 pa. Picture ni Mama Mary at Baby Jesus at bumati ito ng Happy Birthday, Mama Mary bilang kilala siyang Marian devotee.

Mainit ang netizens, lalo na sa mga celebrity-politician na bumoto sa Kongreso sa budget ng CHR (Commission on Human Rights). Marami ang gustong malaman kung sino-sino sa mga celebrities ang kasama sa 119 Representatives na nagpasa ng panukalang ito.

Idinaan ng ilang netizens sa Instagram account ni Lucy Torres-Gomez ang pagtatanong. Nang may magsimulang magtanong dito na si @bizzbee_ig na Ms. Lucy, what was your vote? Are you one of the 119? Sinundan ito ni @josette2366 ng aye or nay?

‘Yung ibang IG followers niya, nagpahayag na ng saloobin nila. Sey nila, siyempre raw kapag wala sa 32 na hindi bumoto, it means nasa 119. Meron namang kumuwestiyon na ng faith niya bilang Marian devotee at panay raw nagdarasal ng rosaryo.

Sabi ni @browneyepeanuts, “Kakapanghinayang. Marian devotee pa naman siya.”

Sabi naman ng iba, bakit daw hindi masagot ni Lucy ang simpleng tanong. Kumbaga, whatever your vote is, dapat pinaninindigan.

Ang asawa ni Lucy na si Richard Gomez, Mayor ng Ormoc ang tila hindi nakatiis at sumagot sa ilang netizens. Pero wala rin itong direktang sagot at tila ipinapahiwatig na bilang Kongresista, mas ang mga ito ang nakakaalam ng kailangan ng nasasakupang lugar.

Eh, ‘yun lang mukhang hindi napangatawanan ni Richard ang sagot niya at tila dinilete rin dahil hindi na namin ito makita nang muli naming basahin.

Habang si Lucy naman, wala ni isang sinagot sa mga nangahas magtanong sa kanya or even nang-bash.
At hanggang ngayon, tikom o kuwesitiyonable pa rin kung bumoto ba siya o katulad ni Vilma Santos, absent sa session noong araw na yun.

Kung history ang pag-uusapan, mas madali talaga sa netizens na isiping isa siya sa 119 na bumoto dahil sa mga nakaraang desisyon niya tungkol sa death penalty at martial law sa Mindanao.

May mga dumepensa rin kay Lucy at sinabing ‘wag na lang nitong pansinin ang mga nagne-nega raw sa kanya.