Una sa Balita

ANSABEEEH???: RACHELLE ANN GO, ‘COMING SOON’ NA ANG KASAL KAY MARTIN SPIES!

By
0 12

Good vibes ang Instagram post ni Rachelle Ann Go. At ito nga ay ang announcement niya na engaged na siya sa kanyang boyfriend, ang US businessman na si Martin Spies.

Halos kailan lang din ang relasyon ng dalawa, pero sabi nga, wala talaga sa haba o ikli para malaman kung “the one” na nga ito.

Bago umalis papuntang London ay nag-celebrate ng kanyang 31st birthday si Rachelle kasama ang buong pamilya sa London. Dahil sa isang beach ang larawan na pinost ni Rachelle habang nakaluhod ang boyfriend hawak ang engagement ring, posibleng sa Boracay nangyari ang proposal at dumating nga sa bansa ang boyfriend.

Bago ang proposal post ni Rachelle, may picture rin silang dalawa sa balcony ng Resorts World.

Halos lahat talaga ay masayang-masaya para kay Rachelle sa balitang ito. Una na ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez sa nag-like at bumati kay Rachelle sa IG post niya.

Ayon sa caption ni Rachelle, ipinagdasal daw niya ang bagay na ito sa kanyang birthday.
“I just prayed for this on my 31st birthday and just like that this happened.

“What an amazing God we have. Thank you father God for this man. A man who loves you first. I still cannot believe this!!! Ahhh!”

At quoted nga sa post ni Rachelle and bible verse na Psalm 37:4 na, “Take delight in the Lord and he will give you the desires of the heart.”

Para sa Broadway star, isang answered prayer ang boyfriend sa kanya.

Bago naman ang announcement ni Rachelle, may binuo itong IG account ng pinagsamang pangalan nila na marthinushin.

Ang unang post dito ay noong August 25 at ang nakalagay sa picture ay coming soon na tila pahiwatig na nga na may aabangang kasalan sa pagitan nila. May mga hashtags pa na wait for it at one day.

Sa isang banda, kasabay ng announcement ni Rachelle, ilan sa mga netizens na bumati rito at nag-comment ay itinag si Matteo Guidicelli, boyfriend ng kaibigan ni Rachelle na si Sarah Geronimo at may mga nagtatanong kung sila na raw ba ang susunod na magiging engage.

John Lloyd, ipinakilala na ni Ellen Adarna sa pamilya niya!

Nakaka-goodvibes din ang episode ng Home Sweetie Home kagabi ng Sabado.

Imagine, pati ang unang pagtawag ni Julie na ginagampanan ni Toni Gonzaga ng “Sweetie” kay John Lloyd Cruz bilang si Romeo ay sinelebreyt nila.

https://www.instagram.com/p/BYzYy7GF-hJ/?hl=en&taken-by=maria.elena.adarna

Ika-45th na raw kasing monthsary simula noong una. Hindi man natuloy ang planong date nila sa labas dahil biglang nagkasakit si Julie, natuloy pa rin ang date nila sa garden, sa labas ng bahay.

Nang mag-post ng picture si Romeo, natuwa ang mga kaibigan nila pero parang maliban lang kay Tanya played by Ellen Adarna.

Hmmm… ano nga ba? On and off cam na ba ang kiyemeng selos ni Ellen? Huh! Eh, kamakailan lang, may mga pictures naman sila ni John Lloyd na naglabasan na isinama na ni Ellen si John Lloyd sa Cebu at ipinakilala sa pamilya niya.

Anyway, siyempre ay tuluy-tuloy pa rin ang katatawanan sa Kapamilya network lalo na nga­yong Linggo.

Sisimulan ng Banana Sundae sa hapon at mga bulilit sa gabi sa Goin’ Bulilit.