Una sa Balita

ANSABEEEH???: Piolo, payag mamuno vs. droga!

By
0 7

Bago pa man ilabas ni President Rodrigo Duterte ang malawakang kampanya laban sa droga  kunsaan ang mga artista ay dapat daw na sumailalim sa drug tests, si Piolo Pascual ay matagal na ngang ginagawa ‘yon. Taun-taon ay nagpapa-drug test si Piolo.

“Kasama ‘yun sa ge­neral check-up. Just to make sure, whatever happens, at least you know, ‘di ba?”

Maipapayo rin daw ni Piolo sa ibang artista na gawin ang pagbu-boluntaryong drug testing.

“Para hindi ka na ma-random, you should have voluntary drug testing and if you’re not guilty, show it, ‘di ba?”

Inamin ni Piolo na naniniwala raw siya kay PDigong kahit noon pa man, pero mas okey sa kanya na ‘wag na lang pangalanan ang mga artistang pinaghihinalaan na nagda-drugs.

“Siguro sabihan na lang privately para at least, they will learn. Ako, I really feel bad for Mark Anthony (Fernandez). Pero, ‘yun ang hirap. Sana hindi tayo magamit to shame other people.

“Mahirap din, mahirap ‘yung ma-embarrass ka.”

Wala namang bahid ng isyu si Piolo pagdating sa drugs. Bukod pa sa yearly drug testing na ginagawa niya. Kung sakali at kuhanin siyang ambassador laban sa droga, papayag siya?

“Why not? Why not? It’s a certain advocacy. Parang you want to use your i­mage in the right way. Parang you want to use your image and be a good example. Para at least, pati ikaw, you’re always in check.”

Sakto talaga ang bagong programa ng Sun Life na ine-endorso ni Piolo ngayon, ang Go Well na may konek sa health and fitness. Heto nga at sa November 19, ika-walong Sunpiology run na niya na gaganapin naman sa Camp Aguinaldo.

Ritz Azul, kinikilig kay Paulo A.!

Paolo Avelino at Ritz Azul
Paolo Avelino at Ritz Azul

Madali raw nakapag-adjust si Ritz Azul na ang katrabaho niya sa kasalukuyang ginagawang serye, ang Promise of Forever, ay si Paulo Avelino. Overwhelming daw sa kanya na leading man na nga niya ito sa kuwento niyang hindi ordinaryong love story series nila.

Noon pa raw, sinasabi na niyang si Paulo ang isa sa gusto niyang makatrabaho sa Kapamilya network. Nag-o-open daw siya kay Pau na kinakabahan siya, na turuan siya at first time niya sa ABS. At tinutulungan naman daw siya. Naging close raw sila kahit sa workshop pa lang. At ramdam nga naming kilig na kilig siya kapag si Paulo ang topic.

Naaliw kami kay Ritz nang tanungin namin kung may lovelife na, wala at single pa rin daw siya. Pero hindi nito itinanggi na may mga nagpaparamdam sa kanya. Na napansin daw niya simula nang maging Kapamilya siya.

“‘Di ba dati, kapag tinatanong niyo ko, wala akong maisagot kasi wala talaga, pero nang mag-ABS ako, ewan ko parang bigla dumating sila! Ha! Ha! Ha!”

Still, single pa rin naman daw siya dahil sey nito, talagang work daw ang focus niya lalo pa nga sa mga opportunity sa career na meron siya ngayon.

Isa si Ritz sa um-attend sa bagong Italy brand na Selective Professional hair products sa Solaire Hotel.