Una sa Balita

ANSABEEEH???: PAULEEN, NAGLALAWAY SA LECHON, EGG WAFFLE!

By
0 10

Ngayong in-announce na ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna ang pagbubuntis ng huli, of course, marami ang natuwa para sa dalawa. Nang malaman namin ito dahil sa comment sa Facebook account ni Pauleen ni Ryan Yllana, na-appreciate namin si Pauleen na hindi niya ito idinenay, pero nakiusap lang na ‘wag munang ilabas dahil ang gusto nila, yung talagang past first trimester na ang pregnancy niya.

May kasabihan kasi na palagpasin muna ang first tri para mas safe na at hindi na raw ma-preempt pa. Akala nga namin hindi na muna makikita at all si Pauleen sa Eat Bulaga dahil at first, may mga ilang discomfort din itong naramdaman.

Nagulat na lang kami nang kasama rin ito sa Balesin noong nakaraang birthday ni Vic. Bata pa kasi si Pauleen kaya feeling namin, magaan ang pagbubuntis niya.

Ngayon naman na umamin na sila, ang kasunod na mga isyu, kesyo through In-vitro fertilization daw ang pagbubuntis ni Pauleen. In ever man, may masama ba?

At least ha, they’re one of the successful couple na ganito ang naging method. Kasi yung iba, nakakailang ulit na pero hindi pa rin nagwu-work.

Pero un-confirm pa ito at sina Vic at Pauleen lang ang makakapagkumpirma. Naaaliw naman kami kay Pauleen na ngayong out na nga na buntis siya, aba, hayan at libre na rin siyang mag-post ng mga cra­vings niya o pinaglilihian.

Ilan sa mga kine-crave nito ay lechon at egg waffle daw na ang lasa ay tulad ng mga nabibili sa street ng HongKong.

Hmmm… paano kaya si Bossing Vic sa mga pinaglilihian ni Poleng? Siya rin kaya ‘yung gagawin ang lahat maibigay lang sa asawang buntis? He! He!

MOTHER’S DAY GAG!

Ngayong araw na ito ang natatanging Linggo para sa mga Nanay. At hindi ito pinaglagpas ng dalawang comedy shows ng Kapa­milya network, ang Banana Sundae tuwing hapon with its cast na pinangungunahan nina Angelica Panganiban, Pokwang, John Prats at Pooh na ituturing na sa tunay na buhay ay mga mabubuti at mapagmahal na anak ng mga Nanay nila.

Sa gabi naman, ang Mother’s Day special ng longest kiddie gag show na Goin’ Bulilit.

Highlight sa mga segments na, ‘Anong pinagkaiba ng nanay?’, ‘Mother’s day gag’ at gayundin sa closing na ‘Ang mga natutunan ko sa Nanay ko.’

Kagabi naman sa Home Sweetie Home, maipapakita ang iba’t-ibang emosyon ng first-time Mom na si Toni Gonzaga bilang si Julie. Kasama na ang paghihinala…

Espesyal din kay Toni ang araw na ito bilang ito ang kauna-unahan niyang Mother’s Day.