Una sa Balita

ANSABEEEH???: NANAY NI PAOLO, BET NA BET SI LJ!

By
0 6
Paolo at LJ
Paolo at LJ

Sa New York ang selebrasyon ni Lj Reyes ng Mother’s Day kunsaan ay makakasama nga nila ang kanyang Mommy na dun na naka-base. Usually, every Christmas at birthday niya siya lumilipad papuntang New York para makasama ang kanyang ina.

Kagagaling lang nilang mag-ina kasama ang boyfriend na si Paolo Contis noong December pero sa Tuesday ay babalik silang muli for two weeks.

“Naglalambing kasi si Mommy. Last time kasi parang sobra kaming na-overwhelmed dahil ang dami namin noon. Kasama auntie ko, pinsan ko.

“Parang walang mas­yadong time, kaya babalik kami kasi nami-miss niya ko, nami-miss ko rin siya. Dun na lang kami magse-celebrate ng Mother’s Day. Pati advance birthday na rin nila ni Aki kasi, pareho silang July.”

Pero bago ang actual Mother’s Day, nakita naming nag-post sa Facebook account nito ang Mommy ni Paolo na si Mommy Jean Contis. Sa caption ay nakalagay ang, “Mother’s Day Lunch” at kasama ang anak na si Paolo, si LJ at si Aki.

It seems, okey sa Mommy ni Paolo ang relasyon ng anak kay LJ na sa nakikita sa kanila, tila kasal na lang talaga ang kulang.

NANAY NI UGE, LOVE SI DANILO!

Balik Italy si Eugene Domingo para bisitahin muli ang kanyang “fiancee” na si Danilo. Kamakailan lang ay ang boyfriend niya ang bumisita sa kanya sa Pilipinas at in-introduce raw niya rito ang bansa, pati ang Asia kunsaan, nagpunta rin sila sa Japan.

Nagustuhan daw ng boyfriend ang Pilipinas base sa ilang pinagdalhan niya ritong lugar. Sa kabila ng sinabi niyang welcome to third world country.

Very, very open na nga si Uge sa lovelife niya at hindi maitatago ang kanyang kaligayahan.

Hindi sinuway ni Uge nung gamitin ng press ang word na fiancee kaya na-confused ang press sa presscon ng Celebrity Bluff kung nag-propose na nga ito.

Sey ni Uge, hindi pa raw, at nagbirong, siya na lang ang magpo-propose. Kinamusta rin namin ang pagkikita ng boyfriend at ng Nanay niya at mas close na raw ang Nanay niya at ang boyfriend. Excited at go na go na ang ina kung magpapa­kasal na siya.

Siya nga pala, dalawa ang shows ni Uge ngayon sa GMA network. Ang top-rating show na Dear Uge at ang pagbabalik ng Celebrity Bluff Year 3 ngayong unang Linggo ng June.

Makakasama pa rin ni Uge sina Boobay at Brod Pete at ang kilalang Game Master Host na si Edu Manzano, to which, inamin ni Uge na ipinagdasal na raw niyang matuloy si Edu no’ng una pa lang niyang malaman.