Una sa Balita

ANSABEEEH???: Nadine, #1 na sa Sexiest Women!

By
0 4

Ibang klase si Nadine Lustre o mas dapat sabihing ibang klase ang mga fans ng loveteam nila ni James Reid. Kasalukuyan pa rin na nasa ibang bansa ang reel and real life sweetheart para sa kanilang world tour concert, pero ang mga JaDines, talagang buhay na buhay at pati ang men’s magazine na FHM ay nagawa nilang pasukin at take note, nailagay si Nadine sa Top 1 Sexiest Women.

Base nga sa FHM latest survey na nasa online site nila, natalo ni Nadine ang last month’s sexiest na nag-top 1 na si Jessy Mendiola. Ang nakakaloka kay Nadine, never pa itong nag-grace ng cover ng FHM pero heto at nagta-top 1.

Sa pagta-top 1 ni Nadine sa latest survey, nag-trending din sa Twitter ang #StayStrongJames kung saan, masayang tila inaasar ng mga fans si James na maging matatag lang daw ito kung sakali at magna-number one nga ang girlfriend at magta-top.

Pero nakakaaliw rin ang tweet ni James na halatang proud naman sa pagta-top 1 ng girlfriend pero, kunwaring galit at pinost ang ranking at saka nag-tweet ng HOY! Who’s responsible for this, with angry emoticon.

Ang dami na rin ‘memes’ na lumabas kung saan, ang iba hango sa nakaraan nilang serye na OTWOL. Tawang-tawa kami roon sa ‘meme’ na eksena nila at pinalitan na nagtatalo ang dalawa. Tipong ayaw payagan ni James si Nadine na rumampa sa victory party at sinagot naman ni Nadine na bakit siya hindi puwede, pero si James, okey lang nang rumampa ito sa Cosmo bash.

Anyway, wala pang assurance na si Nadine ang magta-top 1, depende ‘yan kung kakareerin talaga ng mga fans niya na mag-top 1 siya at gugustuhin ng mga itong rumampa nga. Nag-iiba-iba pa ang nasa top at magkakaalaman lang kapag final count na.

Sa ngayon ang top 3 ay sina Nadine, Jennylyn Mercado at Jessy Mendiola.

Andrew, idinaan sa ‘hugot’ ang ‘inip’!

Pinuntahan namin ang ginanap na pa-birthday salubong ni Andrew Garcia sa Music Bank noong Friday night. Napakahigpit ng paanyaya nito kaya hindi mo talaga matatanggihan.

In fairness naman, isa sa mga talent ng Triple A management si Andrew na napakalakas ng PR. Kahit minsan pa lang niyang nakilala o nakausap ang isang press, hindi na niya ito makakalimutan at talagang marunong bumati at magpasalamat. Sana nga ay hindi magbago ang ganitong attitude ni Andrew.

Mas madalas na mapanood si Andrew sa mga shows ng ABS-CBN. Inamin ni Andrew na ‘yung mga nababasa namin sa Facebook account niya na tila mga ‘hugot’niya ay sa dahilang minsan daw, hindi niya maiwasang mainip sa paghihintay. Gusto raw kasi niya, work talaga nang work.

His last soap ay ang morning serye nila Daniel Matsunaga at Erich Gonzales na Be My Lady, pero natapos na raw siya roon while the series naman, extended pa until October.

Pero happy raw siyang muli dahil magsisimula na rin siyang lumabas sa primetime series naman na Dolce Amore.

Wala raw siyang kontrata sa Kapamilya network, pero naa-appreciate niya na madalas siyang naka-cast sa mga shows doon.