Una sa Balita

ANSABEEEH???: MYRTLE, MUNTIK TANGGALAN NG AWARD

By
0 149

Bihirang-bihira sa mga artista na nakakapagtapos ng kolehiyo, much more ang magkaroon ng award katulad nang na-achieved ni Myrte Sarrosa na grumadweyt pa ng Broadcast Communication sa University of the Philippines bilang isang cum laude.

Ayon kay Myrtle, na-pressure raw siya nang todo 2-weeks before her graduation. Muntik na raw siyang hindi mabigyan ng cum laude award dahil nagkaroon siya ng leave of absence. Ito ‘yung panahong nag-Your Face Sounds Familiar siya.

Two days before her graduation lang yata nang ibalik ito sa kanya dahil sa appeal niya na may kasama pang mga employment certificates na isa siyang working student. 

Matataas ang grades niya pero dahil lang sa leave of absence niya, matatanggalan na sana siya.

Laking pasasalamat daw niya nang i-consider ng university ang pagiging working student naman niya.

Na-pressure na raw siya lalo na nga’t pinag-usapan na agad na cum laude graduate siya.

Still, Myrtle is one of the young stars today na talaga namang puwedeng i-look-up ng mga kabataan. Achiever talaga siya mula nang manalo sa PBB. 

Hindi pa man dumarating ang mga opportunity na mag-bida at marami man siyang chances na napalagpas dahil nga mas prinayoridad niya ang pag-aaral, wala raw siyang pagsisisi.

“No regrets at all. Maraming opportunities na hindi natanggap, pero okey lang. Kasi, priority ko talaga yung matapos ko yung school ko.

“Ngayon naman, sobrang daming blessing na dumarating. I am very thankful.  Aside sa ni-renew ako ng Sisters Sanitary Napkin. Thank you talaga to Miss Aileen Choi-Go.

Kasi dati, one year lang ang contract ko, ngayong ni-renew nila ko, two years pa.  And sobrang enjoy ko kasi sa Sisters lalo na yung mga School is Cool campaign namin na nagbibigay ako ng awareness about menstrual hygiene.

“Siguro for one year, sila nasa 30 schools na ang napuntahan nila. Ako, mga nasa 20 na. Sobrang saya, sobrang nakaka-inspire.”

Bukod nga raw sa Sisters, marami pang ibang endorsements na pumapasok. Katatapos lang din niya sa La Luna Sangre at may dalawang pelikula rin siyang ginagawa ngayon sa Regal Entertainment.

May cameo role si Myrtle sa Woke Up Like This at umattend siya ng premiere night.

Natatawa si Myrtle nang diretsuhin naming tanungin kung boyfriend niya ang director ng movie na si Joel Ferrer.

Aniya, “Hindi, close friend lang kami.  At hindi rin siya nanliligaw, hindi talaga.”

Sey kasi namin, kung ang ex-boyfriend niya na si Bryan Llamanzares ay dumating sa premiere night kasama ang present girlfriend, siya naman kasama rin niya ang dyowa.

Ayon kay Myrtle, may mga ine-entertain daw siya ngayon, mostly non-showbiz. At ayaw pa niyang ipasulat ang pangalan dahil baka maudlot daw, pero ni-reveal nitong may nagugustuhan siya sa mga manliligaw niya, isa rin cosplayer.

With Bryan, first time lang daw nilang magkita nu’ng premiere night. Nagulat na lang daw siya nang may tumapik sa shoulder niya.

Sey ni Myrtle, hindi raw sila nagkaroon ng closure but since both of them have moved-on and happy na, tingin daw niya, hindi na kailangan pa ng closure.

Zia, napatili nang makita ang standee ni Dingdong! 

Aliw na aliw kami sa reaksiyon ni Maria Leti­zia Dantes o ni Zia nang makita nito sa lobby ng GMA-7 ang standee ng Daddy niya na si Dingdong Dantes bilang si Alyas Robin Hood.

Isinama ni Marian Rivera ang anak sa pictorial niya para sa pagbabalik primetime series niya na Super Ma’am. 

At nang mapadaan nga sila sa may lobby, nagulat si Zia at napasigaw ito sa tuwa nang makita ang standee ni ARH.

Napasigaw si Zia sabay tawag nang, “Daaaaaad!!! Daddyyyy!!!”

Kitang-kita kay Zia ang tuwa na makita niya ang Daddy niya. Naku ha, mukhang totoo talaga ang emote ni Marian na kulang na ng time sa kanilang mag-ina si Dingdong, Ha Ha Ha!

Kasi nga, sobrang busy ngayon ni Dong na bukod sa taping niya for ARH, may dalawang pelikula pang ginagawa, ang Sid and Aya at Seven Sundays.

Bukod dito, sobrang busy pa nga sa kanyang foundation, ang walong taon ng Yes Pinoy Foundation at ang paglulunsad ng I Am Super: An Art Resi­lience Exhibit sa Resorts World Manila.

Dennis, mami-miss ang ka-squadgoals niya!

Kamakailan lang ay nag-post si Kapuso Drama King Dennis Trillo na #squadgoals na ang tu­ring niya sa mga kasamahan niya sa Mulawin vs Ravena dahil nakakatuwa ang pagkakatulad ng kani-kanilang mga suot.

Pero squad goals pa rin kaya ang turing niya sa kanila kung tila umanib na siya sa mga Mulawin?

Sa Kapuso telefantasya kasi, ang karakter niyang si Gabriel muna ang hinirang na hari ng mga Mulawin dahil sa ginawa ni Rafael (Kiko Estrada) kay Almiro (Derrick Monasterio) at handa nitong tulungan ang mga ito laban sa mga Ravena. 

Ang titindi talaga ng mga twists sa telefantasyang ito. Although yun lang, everything must come to an end bilang nalalapit na ang pagwawakas ng MvsR. For sure, mami-miss ni Dennis ang mga ka-squadgoals niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More