Una sa Balita

ANSABEEEH???: Melai-Jason, ‘NAGHIWALAY’ dahil kay Carlo

By
0 193

Isang napakahaba at sunod-sunod na posting sa Instagram account na @babymelafrancisco ang bumulaga sa mga Melason fans. Ang Melason fans ay ang tawag sa mga tagahanga ng mag-asawang Melai Cantiveros at Jason Francisco.

Sa totoo lang, ang naturang account ay mada­ling sabihin na ginawa nina Melai at Jason para sa kanilang unica hija na si baby Amelia na merong mahigit 25,000 followers.

For the longest time, puro larawan lang ni baby Mela ang makikita sa naturang account, pero nabago ito noong Martes dahil sa mga postings na kung susuriin, puwedeng isipin na si Jason talaga ang gumawa.

Open letter ito na naka-address sa mga Melason at kunsaan, ipinaliwanag sa naturang post kung ano ang nangyari sa pagsasama nila. Kung paano, pakiramdam daw ni Jason, hindi sila pinakinggan ng production dahil sa itinakbo ng kuwento ng We Will Survive, dahilan para sisihin nito sa diumano’y paghihiwalay na nila.

Ang alam niya raw kasi, walang kapareha ang asawa niya rito, na sa umpisa lang para ma-establish na mabubuntis ito, pero, hindi raw niya akalain na nag-iba na ang kuwento at doon na nga, na-build-up na masyado ang love story between Melai and Carlo Aquino.

Sa pagkakaunawa namin sa open letter na ‘yun, tila feeling ni Jason, hindi naproteksyunan ang pagsasama nila bilang mag-asawa, na para sa kanya, ang family at ang marriage life nila ang pinaka-importante at hindi sila ‘yung mga ‘syobis.’

May linya pa sa sulat na, “Ako po ay nakakaramdam din naman ng selos, syempre po, asawa ko po ‘yuon, mahal na mahal ko po ‘yun, kasal kami at higit pa dun asawa ko po ‘yun sa totoong buhay at ayoko po talagang may ibang humahawak sa asawa ko.”

Ang tanong ngayon, si Jason Francisco nga ba ang nagsulat at nag-post nito? Aaminin ba niya ito kung sakali o katulad nang unang may lumabas na post niya at balitang may pinagdadaanan sila ni Melai, dahilan para diumano’y umiyak sa dressing room ng Magandang Buhay si Melai, pero, kalauna’y binura rin ang post na ‘yun at sinabing na-hack ang account.

Carlo Aquino
Carlo Aquino

Anyway, halos karamihan naman ng netizens at maging ‘yung mga taong nakakaalam na may ganitong isyu talaga si Jason kay Carlo ay nabababawan sa pinaghuhugutan ni Jason.

Na ang alam nga namin, kahit si Melai, talagang hiyang-hiya kung malalaman daw ni Carlo noon na pinagseselosan ito ni Jason. Alam ni Melai na seloso si Jason, pero, tila hindi nito maisip na pagseselosan pa ng asawa si Carlo. Na parang sinasabi ni Melai na, dyosa ba siya ng ganda?!

Matagal na naming alam na may isyu talaga si Jason kay Carlo, pero ang alam namin, naayos na ito, pero sa open letter na lumabas, mukhang hindi pa pala at ang worse, nauwi pa sa hiwalayan — kung totoo nga, ha!

Nag-end na ang We Will Survive, pero kung pagbabasehan ang isyung ito, mukhang hindi nag-survive ang marriage nina Melai at Jason at tapos na ang show, pero, hindi pa nakaka-move-on si Jason dito.

Ang sigurado, marami ang manghihinayang sa dalawa, lalo na at may anak sila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy