Una sa Balita

ANSABEEEH???: Max Collins at Pancho Magno date, ang tamis-tamis!

By
Max Collins at Pancho Magno
0 4

Last Sunday, August 28 ang birthday ng Kapuso star na si Max Collins. Dahil naging open na si Max sa relasyon niya sa Kapuso star naman at isa sa cast ng Encantadia na si Pancho Magno, halatang naging masaya ito na open na sila sa lahat. Kaya naman mega-post na si Max nang naging selebrasyon nila ni Pancho ng kanyang birthday.

Nag-dinner and wine ang dalawa at sa caption ni Max, nakalagay ang “Exactly the way I wanted to celebrate 24.” Bukod sa open with their relationship, isa pa sa itinuturing ni Max na magandang regalo niya ngayong 24th birthday niya ay ang bago niyang primetime series kasama sina Lovi Poe at Tom Rodriguez, ang Someone To Watch Over Me.

Joross, may ‘K’ ba sa Superstar Duets?

Very thankful si Joross Gamboa sa magpi-finale na sa Biyernes na Juan Happy Love Story dahil sa naging role niya rito as Bob. Aminado si Joross na matagal na niyang pangarap talaga na magkaroon ng ganitong role at nagpapa­salamat nga raw siya sa GMA 7 na binigyan siya ng ganitong chance.

Ayaw raw niyang maging taping friends lang sila ng mga naging kasamahan niya sa Juan Happy Love Story na kapag tapos na ang show, nawawalan na rin ng communication.

Kaya siya na rin daw ang gumawa ng viber group nila para tuluy-tuloy lang ang friendship nila.

And speaking of tuluy-tuloy, wish ni Joross na sana raw, magtuluy-tuloy rin ang mga projects na tulad ng JHLS na maibigay sa kanya ng Kapuso network.

Though, not really an exclusive Kapuso star, siya naman daw kasi, kung saan may trabaho siyempre.

Joross Gamboa
Joross Gamboa

Sa ngayon nga lang, sa GMA talaga siya mapapanood dahil after ng JHLS, heto’t isa siya sa mga celebrity contestants naman ng Superstar Duets.

Sey ni Joross, “Hindi ko nga alam ano ang ginagawa ko sa singing contest? Ha! Ha! Ha!”

Biro pa niya, sa sob­rang bilib daw yata ng manager niya na si Noel Ferrer sa kanya, baka kung umabot daw siya sa Olympics, maka-join din siya.

Pero ngayon, work work lang daw siya lalo pa nga’t naglilipat na sila ng asawa niya at anak sa bagong biling bahay.