Una sa Balita

ANSABEEEH???: MARK HERRAS, ‘DI NA NAKIKITA ANG ANAK!

By
0 166

May sariling reason si Mark Herras kung bakit aminado itong hindi nadadalaw o nakikita ang anak niya. Idinipensa niyang muli ang girlfriend na si Winwyn Marquez na ito ang nagiging hadlang kaya hindi niya nadadalaw ang anak.

Good morning Baguio..❤️ #bare

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@teresitassen) on

Ayon kay Mark, definitely, hindi hadlang ang girlfriend.

“It’s not Winwyn’s fault. She always tells me, lalo na kapag araw ng suweldo. Give your daughter money.

“Definitely, it’s not Winwyn’s fault and kung sino man, ayoko ng pag-usapan.”

Sabi pa niya, “It’s a private matter.”

Aminado naman si Mark at hindi nagpapanggap. Hindi raw talaga niya nakikita ang anak niya at may reason daw talaga.

“I have my own reason,” lahad niya.

Definitely, nami-miss daw niya ang anak. At dun sa mga nagre-react, it’s not their business na raw.

Sey pa niya, “Siguro mas intindihin na lang daw nila ang mga sari­ling buhay nila.”

Sa isang banda,  Mark played as the wife of LJ Reyes in D’ Originals na may babae.

Pero in real-life, kahit dumating na sila sa estadong mag-asawa na ni Winwyn, magiging loyal daw siya.

Ganun niya ka-love ang girlfriend na all-out support siya sa ­muling pag-join sa beauty ­pageant.

INAH, EXCITED NA SA BORACAY
GET-AWAY WITH JAKE VARGAS!

Masaya si Inah de Belen at very grateful ito sa pagkakasama niya sa tele­fantasya na Encantadia. Lalo na nga at ang ganda ng karakter niya bilang si Deshna. Ibang experience raw para sa kanya ang naturang role and be part of the number one fantaserye.

Since more than a week na lang ang Encantadia at magwawakas na ito, after daw ng ­taping nila ay nakaplano na si Inah na mag-Boracay kasama ang boyfriend na si Jake Vargas.

Excited na si Inah sa summer get-away nila ni Jake dahil kasama raw nila ang pamilya ni Jake.

All smile si Inah habang ­nagkukuwento tung­­kol dito at ­sobrang na­tu­tuwa raw siya sa pamilya ng ­boyfriend.  Mababait at very close raw. Close si Inah sa pamilya ni Jake.

Matagal ng plano ni Inah na ipakilala si Jake sa Papa niya na si John Estrada, ‘yun nga lang daw sobrang busy raw ng Papa niya na wala pang time na magkita o mag-bonding.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More