Una sa Balita

ANSABEEEH???: Mark at Winwyn, sa 2018 pakakasal

By
0 2

Masaya at naniniwala si Mark Herras sa kapwa niya ultimate winner ng StarStruck batch 1 na very deserving ang isa sa ultimate ex-girlfriend din niya na si Jennylyn Mercado sa title na ibinigay ng Kapuso network, ang Ultimate Star.

Sabi nga ni Mark, pinaghirapan daw ito ni Jennylyn at lahat naman daw ng artista na binigyan ng titulo ay pinaghirapan ‘yun. Nabanggit din ni Mark si Alden Richards na sey niya, deser­ving din sa anumang ibinibigay sa kanya dahil talagang pinaghirapan nito anumang ginagawa ngayon.

Kaya naitanong tuloy namin kay Mark nang madalaw ito ng ilang press sa taping ng afternoon prime nila nina Yasmien Kurdi at Katrina Halili kung hindi rin ba niya hinahangad na mabigyan ng title.

And since sabay sila ni Jennylyn at kauna-unahang ultimate winner ng StarStruck na siya naman ang maging male counterpart nito.

“Relax lang kasi ako, puwede bang ultimate relax? Ha! Ha! Ha!”

Pero pinaliwag ni Mark na hindi raw ibig sabihin na ayaw niyang makilala pa, pero dahil ine-enjoy lang niya kung anuman ang ibinibigay sa kanya and after 13 years, nandito pa rin siya sa showbiz at magaganda pa rin ang naibibigay sa kanya.

In fairness nga kasi kay Mark, hindi talaga siya yung artistang insecure. In fact, very supportive pa siya lalo na sa mga baguhan.

Sa isang banda, ang dami namang nakapansin ng pagiging fresh ni Mark at tila mas lalo pa itong gumuwapo. Walang-duda na very happy nga siya ngayon sa kanyang buhay, lalo na sa relasyon niya with Winwyn Marquez. Ang happy ng aura ni Mark who played Jonas in Sa Piling ni Nanay ha.

Two years ang ibinibigay ni Mark sa sarili para mas ma-prove pa niya sa girlfriend na worth it talaga siya na makasama nito habang-buhay, huh! Sa 2018 na kaya ang kasalan?