Una sa Balita

ANSABEEEH???: Mariel, praning na sa baby sa tiyan niya!

By
0 74

Sa mga pinagdaanan ni Mariel­ Rod­riguez sa mga nakaraang pagbubuntis niya, hindi na nakakagulat kung ma­ging paranoid man siya. ‘Yun ang dahilan kung bakit naisugod ni Mariel­ ang sarili sa hospital thinking na something’s wrong with her baby.

Naaliw kami actual­ly kay Mariel dahil nga ‘yung mga past pregnancy niya, ‘di ba nga at first trimester pa lang, nag-forced abortion na. Ka­ya never pa ta­laga niyang na­ramdaman ‘yung may gu­magalaw na baby sa tummy niya.

Nag-wor­ry agad si Mariel nang maramdamang may gumagalaw sa tiyan, pero maganda rin ang pagka-alerto niya na pumunta agad ng ospital kahit na wala naman pala ‘yun at si­yempre, normal na gagalaw si baby dahil healthy naman daw si baby.

Inihalintulad pa ni Mariel ang baby niya sa Daddy nito na si Robin Padilla na strong din daw.

Base sa post ni Mariel sa kanyang Face­book account, prayer ang kaila­ngan niya at hindi raw mga unsoli­cited advices na lalo lang nagdaragdag ng mga negativities.

Halata namang ine-enjoy ni Mariel ang kanyang pagbubuntis ngayon na nakukuha pa rin mag-host ng It’s Showtime at nakaka-travel pa rin kasama ang kanyang Mister.

Vice Ganda, deadma muna sa MMFF!
JaDine, pang-MMFF ng Viva?

Totoo nga na tila walang plano si Vice Ganda na gumawa ng pelikula ngayon para sa MMFF 2016? Dahil finished product na nga ang tatanggapin for MMFF at by September 30 ang deadline, tipong ayaw raw muna nito at mukhang hindi kaka­yanin ang schedule kung titingnan ang deadline para matapos niya.

Naisip tuloy namin kung may konek din kaya na dahil ito rin ang unang taon na wala na ang paboritong director na si Direk Wenn Deramas. And how true rin na ang ina-eye raw ng Viva nga­yon na maging entry sa MMFF ay pelikulang pagbibidahan nina James Reid at Nadine Lustre?

Kararating lang nina James at Nadine from their successful world tour noong Huwebes. Wala pa rin announcement mula kay Boss Vic kung JaDine movie nga ang ipapasok ng Viva sa MMFF at kung sakali, ito kaya yung movie ng dalawa na si Antoinette Jadaone ang director?

At kung matutuloy, ‘di malayong hindi pa rin mapapanood ang dalawa sa isang teleserye.

Hay Tatay!

Father’s Day nga­yong araw na ito kaya naman well-celebrated din ang mga Daddy ng mga Kapamilya comedy shows ngayong Linggo. Simula pa lang sa Banana Sundae ngayong hapon with the first time Dad na si John Prats.

At puwede ba namang hindi magbigay ng tri­bute at mga pa-kwela ang mga bulilit sa Goin’ Bulilit sa mga Tatay. Abangan ang Tatay gags at Hay Tatay mini-series.

At siyempre kagabi, sa Home Sweetie Home, dahil magiging Daddy na rin si John Lloyd Cruz bilang si Romeo sa pagbubuntis ni Toni Gonzaga bilang si Julie, naghanda sila para rito.

‘Yun nga lang may nangyaring mga aberya pero sa huli, touching din ang eksena nina Romeo at Daddy V na nagbalik HSH na si Rico J. Puno after nitong tumakbo bilang Councilor ng Makati.

Kaya naman, maki-father’s day na at ma-relax at maaliw sa mga weekend comedy shows ng network.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy