Una sa Balita

ANSABEEEH???: MARIAN, NASURPRESA SA PA-BIRTHDAY NI DINGDONG!

By
0 8

Hindi rin napalampas ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes ang kaarawan ng kanyang Misis, ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera noong August 12 na walang espesyal na mangyari.

Kahit na noong kausap namin si Dingdong noong grand presscon ng magpa-pilot ngayong gabi na Alyas Robin Hood 2, nasabi niyang basta magkasama raw sila, espesyal na yun sa kaarawan ni Marian o nila.

Since hindi na sila nakapag-out-of-town dahil kagagaling lang nila ng Siargao at pilot na nga ng ARH.

Abante Hiring – IT dep

Pero ‘yun nga, hindi pinalampas ni Dingdong na hindi maging special ang mismong birthday ni Marian.

Nakipag-kuntsabahan ito sa management ni Yan na Triple A at naging successful ang surprise party niya para rito.

Dumating ang mga kaibigan ni Marian kabilang na si Ai Ai delas Alas at ilan pang kasamahan nila sa Sunday PinaSaya.

Success ang surprise dahil hindi nakakutob si Marian­ na may plano palang ganun si Dingdong.

https://www.instagram.com/p/BXp7JD9jPPo/?taken-by=marianrivera

Sa Instagram account ni Yan ay nagpasalamat ito sa magagandang blessing nga naman na nararanasan niya at ng kanyang pamilya.

“Maraming salamat sa lahat ng aking kaibigan at bumati sa aking birthday. I thank God everyday for my greatest gift Letizia.

Salamat din sa aking mahal para sa surprise kagabi. #gratefulAt33,” sabi ni Marian.

Ryza Cenon, love na love ng lola ni Cholo Barretto!

Happy naman kami para kay Ryza Cenon dahil mukhang masaya itong ta­laga sa lovelife niya kay Cholo Barretto.

Madalas na ngang nakakasama si Ryza sa mga special occasions ng pamilya Barretto at nakikita rin namin sa Instagram account niya na pina-follow siya ng ibang miyembro ng Barretto family at nagpapalitan din sila ng mga komento.

Ang alam ko, close si Ryza sa Mommy ni Cholo. Pero mukhang malapit na rin si Ryza sa lola ni Cholo na si Inday Barretto.

F A M I L Y.

A post shared by Mr. Pocholo Barretto (@pocholobarretto) on

Sa isang Instagram post ni Ryza kunsaan, magkahalo ang mga hindi pa rin mapigilan ang inis sa kanya dahil sa epektibo niyang pagganap bilang si Georgia sa afternoon prime na Ika-6 Na Utos at mga nagpapakita ng paghanga, na­ging kapansin-pansin sa amin ang palitan ng comments ni Ryza at ni Mommy Inday Barretto.

Nag-post kasi si Ryza ng OOTD niya na may caption na, “Your positive action combined with positive thinking results in success.”

Nag-comment ang Lola ni Cholo nang, “Plus when you remember that there is a family who love you and have your back from now on.

“Also, that in the Barretto clan, there is Mamaday behind and beside you.”

Obviously overwhelmed sa naging message sa kanya ni Mommy Inday, sinagot naman ito ni Ryza nang, “awww mama thank you. I love you so much. Hugs and kisses.”

Mapapanood nga pala ulit ang Ang Manananggal sa Unit 23-B simula sa August 16 at tatagal ito hanggang 22. Bahagi ito ng Pista ng Pelikulang Pilipino.