Una sa Balita

ANSABEEEH???: “Marian, etchoserang palaka!” — Angelica

By
Angelica Panganiban
0 3

Since my 2 shoo­ting days pa ang The Unmarried Wife, ang bagong pelikula ng Star Cinema, hindi na kami magtataka kung isa sa dalawang araw na natitirang shoo­ting ay aapir na lang si Marian Rivera bitbit ang anak nila ni Dingdong Dantes na si Baby Zia.

Binuko ni Angelica sa presscon na etchosera raw si Marian. Nangako raw kasi ito na dadalaw sa shooting nila at isasama si Zia, at hiniritan naman daw ni Angge na magluto na rin ito, na umoo naman daw ang Marian.

Sey ni Angelica, “A Day, tapos na kami, wala, hindi ko nakita si Marian!”

Tinext din daw ni Angelica si Marian para i-follow-up ang promise nitong pagdalaw. Kaya sabi raw niya rito sa text, “Ano na, teh, Palaka? Sabi naman niya e, busy daw siya.”

Magkaibigan daw talaga sila at gusto raw niya si Marian.

“Baliw kasi. Parehas kami. ‘Yun ang mga gusto ko. I like her!” natawang sabi pa niya.

Ikatlong pagsasama na nga nina Angelica at Dingdong ang The Unmarried Wife, at kung titingnan din, kahit na si Angelica na yata ang masasabing perennial partner ni Dingdong sa Kapamilya network, in fairness, never silang na-link na dalawa o nagkaroon ng isyu between Angelica and Marian. Instead, naging magkaibigan pa ang dalawa.

Maya, love ng pamilya ni Geoff!

Geoff at Maya
Geoff at Maya

Nakakuha ng mahaba-haba rin na bakasyon si Maya, ang half of the duo ng Migz & Maya ng Star Records. Gabi-gabi naman kasi, as in from Monday to Sunday ang mga gigs nila ni Migz sa iba’t ibang hotel lounge, bukod pa rito ang kasagsagan ng pagpu-promote nilang dalawa ng kanilang first album under Star Records nga na Migz & Maya, pero  naging possible pa rin na makalabas siya ng bansa.

Nauna munang nagpunta ito ng Hong Kong at muling na-reunite sa kanyang girl group, ang Blush, kunsaan nag-record sila ng kanta. After that, dumiretso na si Maya sa Japan, kunsaan dun, purely vacation na talaga.

Sumunod ang boyfriend nito, si Geoff Eigenmann, sa Japan na all the while akala nga namin ay silang dalawa lang, ‘yun pala, kasama rin ni Geoff ang buong pamilya niya.

Si Ryan Eigenmann and his wife and kids at ang Mommy nila na si Direk Gina Alajar. So obviously, very okay talaga ang relationship ni Maya with Geoff’s family.

Nag-post pa si Maya ng picture ng mga ito pagkagaling nila ng Japan at ang caption niya nga, “Love this bunch.”

Tahimik lang naman sina Maya at Geoff, pero one thing na ma-a-appreciate mo sa kanila, umpisa pa lang, never silang nag-deny at nagpa-cute-cute pa, unlike others na very obvious na, pero never nagsisiamin na sila na.

‘Bully’ sa Home…

Patuloy na namamayagpag ang Saturday sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home kunsaan, sa last week episode na lang ay nag-number one ito sa rating. Patunay lang talaga ito na parang ang naging inspirasyon nila na John en Marsha noon, nakabuo na ngang talaga ng sariling following ang mag-asawang Romeo at Julie na sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga.

Lalo na ngayon na masasabing kumpleto na ang kanilang young family with Baby Summer.

Kuwela rin ang episode kagabi kunsaan, feeling ni Clarence Delgado ay binu-bully siya sa paglalaro ng basketball.

Ngayong araw ng Linggo naman, patuloy pa rin ang masasayang shows na hatid ng comedy group ng Kapamil­ya network.

Tutok lang sa Banana Sundae ngayong hapon at sa mga very talented kids ng Goin’ Bulilit sa gabi.