Una sa Balita

ANSABEEEH???: MARIAN AT COCO, BUGBUGAN NA NGAYONG GABI!

By
0 10

Simula ngayong gabi, kung dati ay tapatan ng Primetime King ng Kapamilya network na si Coco Martin at Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, ngayon ay Hari at Reyna naman ang magtatapatan.

Ang Super Ma’am ni Marian Rivera na magpa-pilot nga­yong gabi ang magiging katapat na ng Ang Probinsyano ni Coco Martin.

Ang Alyas Robin­ Hood ay aakyat na sa pangalawang time-slot. Nakikita naman namin kay Marian na wala na sa kanya ang pressure kung ano o sino ang katapat.

Katwiran niya, sa lahat naman talaga ng ginagawa ay may pressure. At mas gusto niyang ituon ang atensiyon niya sa kung ano ang hinihingi sa kanya pagdating sa role.

Actually, parang­ walang bakas na nanga­nak at may magda-­dalawang taon­ na si Marian pagda­ting sa katawan at ­given na siyempre ang ganda.

Base sa trailer, kung maka-fight scene at kaseksihan, mas “conservative” lang ng konti ang costume niya ngayon kumpara nang mag-Darna siya. Isa sa mga adjustment ni Marian­ ­bilang Nanay na nga naman siya at may asawa.

Malapit sa puso ni Marian ang bago niyang fantasy-action serye dahil action at ‘yung may matutu­nan daw talaga ang mga bata ang gusto niyang gawin.

In fact, siya mismo ang namili sa Super Ma’am as her comeback primetime series sa dami raw ng ipinadala sa kanyang materyales, ito ang pinaka-­nagustuhan niyang talaga.

CEBUANOS, PABOR SA JOHN LLOYD-ELLEN ROMANSA!

Nag-post na rin si John Lloyd Cruz ng mga ­Instagram photos niya ng getaway nila ­kamakailan lang ng rumored girlfriend na si Ellen Adarna. Sa Cebu pa rin sila nagpunta at this time, sa Movenpick naman sila nag-stay.

Base sa mga pinost ni Ellen na picture ng room o suite o villa nila, obvious na isa sa pinakabonggang place ang pinag-stay-an nila.

May recent post ang bida ng Home Sweetie­ Home na si John Lloyd na picture ng isang bahay. Aniya, “it’s impossible not learn while you’re inside this house, sir.”

Wala namang binanggit si John Lloyd kung sino ang “sir” at kung sino ang may-ari ng bahay. Pero ang kaibigan ni Ellen na nag-post ng videos niya ay nag-comment nang, “my house! Huhu! Really gonna miss this house.”

Naka-tag si Ellen kaya iniisip tuloy na bahay raw ba ito nila Ellen sa Cebu?

Anyway, kung pagbabasehan ang mga nababasa naming comments sa Instagram, marami ang may gusto sa relasyong John Lloyd at Ellen. Go lang daw ang mga ito kung saan masaya.

Karamihan sa mga nagku-comments sa parehong IG accounts nila ay mga kababayan ni Ellen na mga Cebuano dahil sa dialect na gamit nila.

May nag-comment din at natutuwa na active na raw si John Lloyd sa social media. Sey ni @koalabeartuldo na, “It’s good that you resort to social ­media to express yourself. It’s also therapeutic. Go find yourself in the process.”