Una sa Balita

ANSABEEEH???: Marco, ‘NABAKLA’ kay Gabby!

By
Marco Alcaraz
0 2

Na-starstruck daw si Marco Alcaraz kay Gabby Concepcion. Silang dalawa ang madalas na magkaeksena dahil parehong piloto ang mga karakter nila sa bagong afternoon prime na Ika-6 na Utos na ngayong araw na ito ang pilot sa GMA 7.

Naaliw kami kay Marco na parang nabading nga kay Gabby, nang sabihin niyang, “Na-starstruck ako. Tapos, ang bango-bango. Ang pink ng lips ni Gabby! Kaya sabi ko, kakagat-kagatin ko rin dapat ang lips ko para mag-pink! Hahaha!”

Puring-puri rin nito ang actor dahil sobrang gaan daw katrabaho at wala raw ere.

Sa isang banda, ilang taon na rin kasal si Marco sa asawang si Lara Quigaman, happily married ang da­lawa at sabi nga namin sa kanya, para silang palaging nagha-honeymoon sa mga Instagram postings nila.

When asked kung hindi kaya niya magiging kasalanan ang ika-6 na utos, natawa ito at sinabing, “When God is the center of your marriage, nothing is impossible.”

Melai, hinay-hinay muna sa trabaho…

Melai Cantiveros
Melai Cantiveros

Melai, hinay-hinay muna sa trabaho…

Sunod-sunod pala ang taping ng Magandang Buhay dahil sa ang kinu-consider nila ang kalagayan ni Melai Cantiveros. Kung matatandaan, kamakailan lang ay na-confine ito at muntik nang manganib ang ipinagbubuntis.

Kaya maging mga staff at siyempre, ang dalawang co-hosts niya na sina Karla Estrada at Jolina Magdangal ay worried din para rito. Kaya hangga’t carry pa raw ni Melai, halos naga-advance taping na sila.

Para siguro kung sakali at i-require ito na magpahinga muna, meron na nga naman silang nakabangkong mga episodes.

Sa ngayon, okey naman daw si Melai at ang baby nito na 4 months old pa lang sa kanyang tiyan, pero siyempre, dahil by nature ay galawgaw naman itong talaga kaya madalas daw itong paalalahanan na hinay-hinay lang sa kilos.

Aktres, ‘BANO’ pa rin umarte!

Aktres, ‘BANO’ pa rin umarte!

Dapat na gumawa ng paraan ang isang aktres na mapagbuti pa niya at mai-improve ang pag-arte. Kahit anong tutorial at tulong daw kasi ng ilan sa cast para makuha ng tama ng aktres ang hinihingi ng karakter niya, hindi pa rin daw talaga ito maka-deliver. Meaning, bano pa rin umarte ang aktres.

Ang tingin nila, hindi tinatanggap ni aktres na may kakulangan siya o kailangan talagang pagbutihin. Matagal-tagal na rin kaming nakakarinig ng reklamo sa aktres pagdating sa pag-arte nito.

Kaya sana nga, sa pagkakataong ito ay maiayos na niya at mabigay ang hinihingi sa kanya ng role.  If not, baka tuluyan ng maging mailap sa kanya ang mga opportunities.