Una sa Balita

ANSABEEEH???: MAINE, NASASABIK NA SA B-DAY PASABOG SA KANYA NI ALDEN!

By
0 8

maine-mendoza-fansNaging successful ang Dare To Be Funtastyk event ng ine-endorse na tocino ni Maine Mendoza, ang CDO Funtastyk Young Pork Tocino na ginanap sa isang exclusive at fine-dining restaurant na Lemuria Restaurant.

Masuwerte ang 20 winners na ang iba ay mula pa sa Mindanao at all-expenses paid with accommodation din from CDO Funtastyk at halos dalawang oras na nakasama si Maine sa isang long table. Nakakuwentuhan at siyempre, naka-selfie.

Nabasa nga namin ang comments ng ilang naka­tutok sa Facebook Live na inggit na inggit ang ibang fans ni Maine sa suwerte nga raw ng mga ito.

Sa kabila ng napaka­laking tagumpay na tinamasa na ni Maine sa halos dalawang taong showbiz career pa lang niya, mahiyain pa rin talaga si Maine.

Nang i-surprise nga siya ng birthday greetings ng mga fans dahil birthday niya bukas, March 3, akala namin ay maiiyak si Maine at halatang hindi pa rin talaga sanay sa mga ganoong atensiyon.

Walang plano si Maine sa mismong birthday niya dahil ang talagang nilu-look forward niya, ang tour ng kalyeserye sa U.S. Isang linggo lang sila dun, pero wish ni Maine na maka-segue raw siya.

“Sana po mabigyan ako ng chance na maka-segue sa New York, ‘yun na ang pa-birthday ko for myself and mini-summer na rin po.”

Alam namin, walang taping si Maine ngayon ng Destined To Be Yours, pero present siya sa Eat Bulaga, after that, dinner na siya with family and some close friends.

Siyempre, hindi rin naman niya alam kung ano ang sinasabi ni Alden na pasabog na lang nito sa birthday ni Maine.

“Hindi ko po alam. At saka, hindi naman po namin ‘yun pinag-uusapan ni Alden. Sabay-sabay na lang po tayong ma-surprise.”

Bago ang mismong event kunsaan, naka-dine nga ni Maine ang 20 winners, naitanong namin sa kanya kung sa kabila ng tagumpay niya ay hindi pa rin siya napagbabago.

“Hindi po, wala po. Ganun pa rin po. Pero siguro po, mas maganda na ‘yung mga kasama ko tanungin niyo kung nagbago na po ba ‘ko. Pero ako po sarili ko, alam ko po na hindi pa po talaga.”

In fairness, kahit puro papuri ang mga mababasa sa ipinapakita niyang pag-arte sa DTBY na kesyo, ginalingan naman daw ni Maine, tila hiyang-hiya itong marinig at sabay sabi na, “talaga po ba? Ako po kasi tingin ko, may mga dapat pa ‘kong gawin. Pero thank you po kung ganun ang tingin nila.”

Super thankful din si Maine sa pamilya niya, sa CDO Funtastyk na talagang ramdam na ramdam daw niya ang pagmamahal sa kanya at very happy nga siya na during the time na siya ang endorser nito, ito na ang pinaka-topselling tocino sa bansa.

“Very happy lang po talaga ‘ko sa lahat ng mga nangyayari ngayon. Birthday wish ko, sana po tuluy-tuloy lang at saka siyempre, ‘yung success po ng Destined To Be Yours.”

Andi, bumait kay Emilio!

All-out na sa pagiging open si Andi Eigenmann sa kanyang lovelife. Sa non-showbiz boyfriend nito na si Emilio Arambulo.

Na mukhang mas okey nga yata na low profile lang ang boyfriend ni Andi dahil medyo iwas ito sa kung anu-anong kontrobersiya.

Mahilig sa dagat ang boyfriend ni Andi kaya halos karamihan ng mga pictures nila ay kuha sa iba’t ibang beaches at naka-2-piece din madalas si Andi. At madalas, sa Baler o sa CamSur ang pinupuntahan nila.

Binati ni Andi ang boyfriend dahil birthday nito kahapon. At sa message niya sa kanyang IG account, buong ningning na sinabi ni Andi na naniniwala siya rito and that Emilio brings out the best in her.

“May you go forth, and boldy take the direction of your dreams. I promise to be by your side through it all.

“And no matter how low you may find yourself in, I will be here to treat you as though you are in your highest, because I believe in you. HBD! You bring out the best in me.”

Mukhang malapit din naman ang boyfriend ni Andi sa anak nila ni Jake Ejercito na si Ellie.