Una sa Balita

ANSABEEEH???: Magandang teenstar, DEMONYITA!

By
0 3

Insecure ang isang baguhang teenstar sa kapwa niya teenstar. Nagka­taon na ang kinai-insekyuran niyang teenstar ay matagal na rin sa business.

Kung ano-ano ang ipinagkakalat o kinukuwento ni baguhang teenstar sa ‘di-hamak naman na mas matagal na sa business sa kanyang teenstar. Nagulat din ang teenstar kung bakit may ganu’ng nega na pakiramdam pala sa kanya ang baguhan.

Wala raw siyang matandaan na ginawang masama rito. Natatawa na lang din ang teenstar lalo na nang sira-siraan din ang pag-arte niya, eh, kung meron man sigurong puhunan si teenstar, ito ay ang husay niya sa pag-arte.

Wala naman daw sumang-­ayon sa baguhang teenstar sa mga pagne-­nega nito dahil kilala ng mga kasamahan nila sa network ang totoong ugali at ka­lidad ng teenstar na sinisiraan niya. Sa­yang dahil mukhang hindi uma­bot sa panloob ang ganda na meron sa panlabas ni baguhang teenstar. Demon­yita ha!

P-Digong, ‘di pa ma-tackle sa Goin Bulilit!

Naaliw kami sa Home Sweetie Home episode kagabi na very relevant ang kuwento. Ilang preggy woman nga ba ang nagpa-panic tulad ni Toni Gonzaga as Julie na kabag lang pala ang sakit ng tiyan at halos lahat ay nag-panic?

Eh, in real-life, ‘di ba ay maraming praning kapag buntis at may naramdamang kakaiba sa tiyan. Idagdag pa ang isyu ng drugs list ngayon na na-tackle rin ng nakakaaliw.

Habang sa Goin’ Bulilit ngayong gabi ay tuloy-tuloy ang katatawanang hatid ng mga bulilit, kasama pa ang walong mga bagong talented cast members. ‘Yun nga lang, kumpara sa Home Sweetie Home at Banana Sundae na napapanood din tuwing Linggo ng hapon, aminado ang director ng GB na si Direk Bobot Mortiz na hindi pa nila ma-ta­ckle ng bongga ang Presidente ng bansa na si Duterte dahil sa maselan na topic ng focus niya na drugs and crimes sa mga bata.

Anyway, for more good vibes ang mga katatawanan sa weekend comedy shows ng Kapamilya network. Ang Home Sweetie Home, Banana Sundae at Goin Bulilit.