Una sa Balita

ANSABEEEH???: Magaling na aktor, nangaliwa kaya iniwan ni seksing aktres!

By
0 89

Totoo nga kaya ang nakarating sa aming balita na si ex-boyfriend actor naman pala ang nagkaroon ng ibang girl while in a relationship with his ex-girlfriend actress na sexy. Pero dahil sa image na nabuo ni ex-girlfriend kaya madali para sa tao na mag-conclude na si ex-girlfriend ang nagsawa lang at nakipag-break.

Which makes ex-boyfie to look kawawa. Lalo na at sa mga naglalabasang interviews, tila si ex-boyfie ang hirap makapag-move-on.

A source told us, “Magaling siyang actor. Convincing acting niya, eh!”

Nagugulat din daw si ex-girlfriend sa mga naglalabasan pero dedma na lang daw ito kung ‘yun talaga ang gustong palabasin ng ex niya.

Sey pa ng source namin, na-inlove raw talaga si ex-girlfriend sa ex-boyfriend, kaya siguro akala ni ex-boyfie, mapapakiusapan niya ito at hindi siya hihiwalayan kahit na madiskubre ang pagkakaroon pa niya ng iba.

Solenn, willing na magpa-drug test ulit! 

Solenn Heussaff
Solenn Heussaff

Ayaw nang mag-comment pa ni Solenn Heussaff tungkol sa diumano’y pagne-name drop ng mga artistang involve o gumagamit ng drugs. ‘Yung sa random drug testing, suportado raw niya ito kung kaya’t isa si Solenn sa mga artistang nauna nang nagpa-drug test.

Negative ang result ng drug test ni Solenn. Na kaya rin daw niya ginawa na para matigil na rin ang mga iniisip ng iba.

Nabasa raw niya mismo ng ilang beses sa tabloid na tila inaakusahan siya sa bagay na ito. Hindi naman daw siya naapektuhan, pero kahit sino naman daw na i-accuse sa isang bagay o issue maliit man ito o hindi, “it’s not nice naman.”

Boluntaryo at personal ang ginawang drug testing ni Solenn pero kung hindi man ito i-honor, willing daw siya anytime to have another one.

Napaka-busy ni Solenn ngayon na may apat na regular shows sa GMA-7, ang Taste Buddies, Tripinas, A1 Ko Sa ‘Yo at Encantadia kunsaan, ipapakita raw ang back story ni Cassoipeia. Bukod dito, may fitness book pa siyang lalabas at ni-launched na rin ang 3rd album niya under Universal Records na “Solenn”.

At next month, mapapanood na ang reality show nila na “It Girls” sa E! Siya at sina Isabelle Daza, Liz Uy at Georgina Wilson.

‘Baby’ ni Toni, big na rin! 

Isinilang na nga ni Toni Gonzaga ang panganay na anak nila ng mister na si Direk Paul Soriano.

Habang sa sitcom naman nila na Home Sweetie Home ni John Lloyd Cruz tuwing Sabado ng gabi, medyo big na rin ang kanilang baby girl.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy