Una sa Balita

ANSABEEEH???: LOVI, ITINANGGING ‘LIVE-IN’ NA SILA NI CHRIS!

By
0 3

Ganda-gandahan ­talaga si Lovi Poe ngayon, na hala­tang happy and in-love.

Pero may litanya agad ito na gusto niyang gawing pribado na ang tungkol sa lovelife niya nang matanong ito tungkol sa non-showbiz boyfriend na si Chris Johnson.

Notre Chef pour la soirée 😍

A post shared by Lovi Poe (@lovipoe) on

“I really want it to be private again. Nothing much to talk about din naman,” sey niya.

At kahit visible sa mga Instagram stories nila na nasa bahay niya si Chris, muling itinanggi ni Lovi na live-in na nga sila.

At nang tanungin ito kung when was the last time she woke-up with someone, natatawang sabi niya, “Ah wow! Ha! Ha! Ha! Ayokong sagutin ‘yan!

“I always wake-up with my dog! Which is true ha!”

Pero nang seryosong tanungin na nga ito kung napag-uusapan nila ang pagli-live-live-in?

“Well, it’s something we haven’t talk about. The thing between me and Chris is that, we’ve only just begun.”

Natawa rin sa sagot niya pero sey nga niya, still ayaw pa rin daw niyang gawin itong official. 

Anyway, na-awkward-an talaga noong una si Lovi sa mga eksena nila ni Vhong Navarro sa Regal movie nila na Woke Up Like This lalo na nga at sa kuwento, naging lalaki siya at naging babae naman si Vhong na nagkakagustuhan sila.

“It’s awkward for the both of us.

“Siyempre, it’s my first time to do this kind of scene, bilang lalaki ako tapos nagdyo-joke-an pa kami. Sa simpleng titigan lang, awkward na. Eh kasi, we want to make it real,” sabi ni Lovi.

May pagkakataon pa raw na kahit hindi niya schedule ng shooting, pumunta pa talaga siya sa shooting na si Vhong ang may mga scenes para lang makita raw niya kung paano nga ito.

Ngayon lang daw siya nag-comedy at aminadong comfort zone niya ang drama.

Sanay na raw siyang umiyak kaya kakaiba raw talaga sa kanya ang magpatawa.

Nag-enjoy naman daw siya nang gawin niya ang Woke Up Like This na mapapanood na sa August 23.

Jolina-Mark, tinatrabaho na ang ‘kapatid’ ni Pele!

Masaya si Jolina Magdangal na muling nagawa ang isa sa mga childhood dreams niya, ang maging isang cashier.

Since ang ine-endorsong Super Twins baby pants diapers ng Megasoft ang nagbigay ng katuparan niyang ito.

Dahil nag-renew din siya kasama ang anak na si Pele siyempre bilang endorser ng Super Twins baby pants diapers na, tuluy-tuloy ang pagiging celebrity cashier activations niya sa ilang malala­king supermarkets sa bansa.

Noong Sabado ay sa Gaisano Grand Mall nagpaka-cashier si Jolina.
“Ang saya. Na-miss ko rin gawin kasi last year pa yata ‘yung last,” sabi niya.

Dahil din sa morning show nila nina Karla Estrada at Melai Cantiveros, very evident na kilala na siya ngayon sa ibang level.

This time, ang naririnig na namin tawag sa kanya ay ‘Mamshie!’

Okey na ba sa kanya na Mamshie Jolina na siya kung i-address ng mga tao?
“Oo! Kasi alam mong inyo.

“Saka ‘yun na rin ang gusto kong iparamdam sa mga tao na ang sarap maging mommy.

“Mamshie na talaga. Kahit na kapag kasama ko ang mga bagets, alam ko na ate nila ko or Mamshie kahit na mas matatangkad sila sa akin. Ha! Ha! Ha!”

And speaking of being mommy, after nga ng mga plano nila na mapagawa na ang kanilang bahay at makalipat na rito, nasa proseso na raw sila ng hubby na si Mark Escueta na mabigyan na rin ng kapatid ang anak.