Una sa Balita

ANSABEEEH???: Kris Bernal, inilako ang sarili sa ABS-CBN

By
0 29

From a very relia­ble source, may nakakita nga sa Kapuso star na si Kris Bernal sa bakuran ng Kapamilya network. Kung tama ang balita, sa Star Magic mismo.

Hindi lang malinaw sa kuwento ay kung sino ang kasama ni Kris nang magpunta ito roon.

Hindi namin alam kung gaano ka-accurate ‘yung kuwentong nakarating sa amin na nang magpunta si Kris, ang terminong ginamit ay “prinisinta” ang sarili sa Star Magic. In short, tipong ito raw ang nag-alok sa sarili kung puwede siyang i-manage ng talent arm ng ABS-CBN.

Pwede kasing sidelight na kuwento na lang ‘yun, maliban sa impormasyon lang na nakita ito sa bakuran ng Kapamilya network.

Ang siste, tapos na nga pala ang kontrata ni Kris sa Kapuso network. So, gusto na nitong lumipat na? May nagsabi namang baka raw nagpapahabol o nagpapataas ng presyo?

Mukhang kung tapos man ang kontrata ni Kris sa GMA, under negotiation naman na rin in-terms of renewal.

Sa isang banda, marami na rin talagang nagawa ang network sa career ni Kris. Halos ‘di rin biro ang mga proyektong pinagbidahan niya at isa rin siya sa maituturing na prime star ng Kapuso network.

Tagumpay!

Successful ang naging first major concert ng To the Top or T.O.P. Ang T.O.P. In Concert na ginanap sa Music Museum noong October 28.

Ang ganda talaga ng blending ng boses nina Adrian Pascual, Mico Cruz, Miko Manguba, Louie Pedroso, at Joshua Jacobe.

Napatunayan namin sa naging concert nila na may sariling followers na rin nga ang grupo at talagang nagtitilian at hindi mapigilan ang kilig sa limang boy band na ito.

Halos mapuno na rin ang Music Museum, not to mention ang balcony na punong-puno ng mga fans nila.

Special guests ng grupo sina Kim Domingo at Aicelle Santos.  Katulad ni Aicelle, naaliw rin kami sa ginawa nilang rendition ng ‘Di Ko Kayang Tanggapin ni April Boy Regino.

Naging kapansin-pansin naman ang presence ni Mikee Quintos. Ang gumaganap sa papel na Lira sa Encantadia.

Tingin namin, wala ng kailangang pag-amin ng diretso kina Mikee at Louie Pedroso, aba e, kinikilig si Mikee habang pinapanood ang mga ito na nagpe-perform.

But yes, it was Louie na alam naming mag something. Even before Encantadia, magkakakilala at nanliligaw na nga ba si Louie sa dalaga?

Geoff E., ligtas na sa bashing!

Siguro naman, hindi na makatatanggap ng pangba-bash si Geoff Eigenmann dahil sa character niya sa Kapamilya morning serye na Be My Lady. Dahil ngayong araw na ito, siguradong ang mga sumusubaybay sa love story ni DanRich o ni PhilNang sa BML ay masayang-masaya.

Ngayong araw na ito magaganap ang much awaited proposal ni Phil kay Pinang. Magtatapat na nga at aalukin na ng kasal ni Phil si Pinang.

Kaya posibleng ma­ging ganap na itong Crisostomo.

Siyempre, very happy nga ang mga Kapa­milya sa episode ngayong umaga.

Pero dahil may proposal na ang PhilNang, hayun na nga, ang tanong ng mga fans nina Daniel Matsunaga  at Erich Gonzales at nananalig na may forever para sa kanilang dalawa, kailan daw kaya mangyayari na magpu-propose na si Daniel kay Erich at kasal na ang kasunod.

Anyway, extended na naman nga ang BML dahil tapos na ang buwan ng October pero heto’t napakarami pa rin ganap sa show.