Una sa Balita

ANSABEEEH???: KIM DOMINGO, ‘BINASTOS’ SI MEG IMPERIAL!

By
0 363
Meg at Kim
Meg at Kim

Aaminin o itatanggi kaya ng dalawang sexy stars na sina Meg Imperial at Kim Domingo ang namagitan sa kanila sa unang pagkikita nila? Sa isang pictorial naganap nang parang nabastos si Meg ni Kim or actually, nabastos na nga.

Sey ng aming eyewitness, nauna raw sa pictorial si Kim at either may ka-text or pinagkakaka-abal­ahan sa cellphone niya nang dumating si Meg. K­ilalang mabait naman daw si Meg kaya hindi nagulat ang mga taong nandoon na ito ang dumating at lumapit kay Kim at nagpakilala.

Sey raw ni Meg, “Hi, I’m Meg,” at saka inabot ang kamay. Pero sa halip na makipag-shake hands si Kim, tiningnan lang daw nito si Meg at tuloy-tuloy sa pagkalikot ng cellphone.

Siyempre, nabastusan ang eyewitness namin at iba pang mga taong naka­kita sa pangyayaring ‘yun sa naging attitude raw ni Kim.

Eh kung tutuusin nga naman, kung seniority pa rin ang pag-uusapan, ‘di-hamak na mas nauna raw sa showbiz si Meg kesa kay Kim.

MAX, NATAKOT KAY DIREK MIKE!

Halos araw-araw ay umaakyat ng Baguio ngayon ang Kapuso star na si Max Collins. Sa Baguio ang location ng isa sa mga anticipated indie films, ang Citizen Jake na after 18 years, nagbabalik sa pagdidirek ng pelikula ang The Mike de Leon.

Nag-audition si Max for the role na isang teacher/part time guidance counselor at girlfriend ni Atom Araullo. Itinuturing ni Max na napakalaking opportunity para sa career niya na maidirek ng isang Mike de Leon.

Kamusta naman itong director?

“Ang saya!,” nakangiting sabi ni Max.

“He’s very humble, sobrang bait niya considering his status and he has a lot of wisdom to share.

Inamin naman ni Max na noong una, takot na takot daw siya dahil ‘di raw niya alam kung tama ba mga nagagawa niya, pero nawala rin daw ito dahil magaan daw katrabaho ang director at sensitive sa ­fe­elings ng mga artista.

Sabi pa ni Max, ibang indie raw ang Citizen Jake dahil sobrang tapang daw nito.

Sa ngayon, wala pa raw siyang teleserye sa GMA-7 pero meron siyang Alex and Amie ng GMA News TV with Mikael Daez. Once a week daw ito na may halong animation.

“Okey lang din talaga ko na wala munang teleserye sa ngayon kasi, parang hindi ko kakayanin.  Halos every day or every other day ako sa Baguio and itong Alex and Amie.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy