Una sa Balita

ANSABEEEH???: KATRINA, TIGANG NA TIGANG!

By
Katrina Halili
0 16

Sa ngayon ha, parang hindi ako mahuhulog ng sobrang mahal na mahal ko ang lalaki, parang hindi talaga,” buong ningning na litanya ni Katrina Halili sa amin sa isyung ma-in-love siyang muli sa isang lalaki tulad ng nangyari dati.

Pero sey nga namin sa kanya, nasasabi niya lang siguro ‘yun kasi, hindi pa lang talaga niya nakikitang muli ang lalaking mamahalin niya pa nang bongga.

“Hindi talaga, siyempre may love ka ni God. May love ka ni Katie, may love ka ng family, friends.”

Five years na raw siyang walang lovelife at hindi rin naman daw kasi siya naghahanap. Ang gusto niya raw talaga, kapag nagkaroon siya ng relasyon, ‘yun na talaga.

“Wala talaga, wala, kahit date,” sabi niya.

Biro tuloy kay Katrina, five years na siyang, double T, as in tigang na tigang?

“Ha! Ha! Ha! Grabe, baka ‘yung write-up, Katrina, tigang na tigang, naku ha! Itigil niyo po ‘yan, ang chaka!”

Sabi naman namin, hindi chaka ‘yun dahil ang ibig sabihin, ang lakas na ng self-control niya ‘no.

“Wala, wala talaga. I’m so happy.  Siguro ‘yung nangyari in the past tapos may Katie na ‘ko. Kasi ‘yung nangyari sa past, puro mali kasi minamadali mo, akala mo love.

“So ngayon naman, sa kakahantay ko ng true love, wala pa. Pero ayoko pa kasing tumingin. Ayoko talaga. Gusto ko kung magkakaroon ako ng relationship, ‘yun na ‘yun.”

Sey pa niya, kailangan daw ng dasal para ‘yung susunod niya, siguradong ‘yun na talaga ang para sa kanya.

“Siguro kasi, kapag may God ka, kaya mong lahat kahit abutin ka pa ng isang dekada.”

Sobrang aliw pa rin talagang ka-chikahan itong si Katrina dahil honest lang talaga siya.

Nakausap nga namin siya sa taping ng D’ Originals kunsaan, siya si Yvette Benitez na siyang ‘kabit’ ni Jestoni Alarcon. At bongga raw talaga ang mga eksena at ‘adlib’ nila ng original wife na si Jaclyn Jose naman.

BARBIE AT JAK, HULING-HULI NA MAGKA-DATE!

Idinipensa ni Jak Roberto ang sarili na nagsasarili na siya ng move at lumalamang sa tatlong Meant To Be boys na sina Addy Raj, Ivan Dorschner at Ken Chan.

Noong Monday kasi, which is, hindi naman itinago nina Jak at Barbie Forteza ang ginawa nilang pagdi-date sa U.P. Town Center. Kaya nang tanungin namin tungkol dito, pareho naman nilang hindi itinanggi.

Given na si Barbie na mahilig talagang manood ng mga movies, eh, si Jak daw kasi, napakatagal na since the last time na nanood ng sine. Kaya naisipan nitong manood noong Monday na wala silang taping.

Ayon kay Jak, wala raw siyang intensiyon na lumamang sa ibang boys sa atensiyon ni Barbie. Nagkataon lang daw na hindi naman available ang tatlo. In fact, niyaya rin daw niya ang mga ito, pero may kanya-kanyang lakad.

Eh, si Barbie, sey naman niya, gusto naman niyang suportahan si Jak at na-feel daw niya na ang dami na nitong na-missed na movies. Ending, hindi lang isa kung hindi tatlong pelikula raw ang na-marathon nila. ‘Yung isa nga, napanood na raw ni Barbie, pero sinamahan pa rin niya si Jak.

Very grateful naman si Jak sa moment na ‘yun na naka-catch-up daw siya sa mga mo­vies at the same time, nakapag- ‘date’ nga sila ni Barbie dahil silang dalawa lang talaga.

In fairness, niyaya rin ni Jak ang Mommy ni Barbie, pero ito na raw ang nagsabing silang dalawa na lang.

Anyway, sa hit primetime series naman nilang MTB, hindi na lang silang apat ang matsa-challenge dahil ngayong Linggo, papasok na ang bagong boys, ang apat na Gaya boys na sina Matthias Rhoads, Vince Vandorpe, Carl Cervantes at Dave Bornea.