Una sa Balita

ANSABEEEH???: Kathryn-Daniel, tinanghal na ‘Movie Star of the Year’!

By
Kathryn Bernardo at Daniel Padilla
0 3

Naging matagum­pay na naidaos ang Pep List Year 3 na ginanap sa Crowne Plaza Hotel noong Linggo ng gabi. Halos karamihan naman sa mga winners ay dumating sa awards night kabilang na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na parehong nanalong Movie Star of the Year.

Male and Female Teen Star of the Year naman sina Darren Espanto at Kathryn.

Present din halos ang buong OTWOL (ON the Wings of Love) cast ma­liban sa mga bida nito na sina James Reid at Nadine Lustre na kasalukuyang nagte-taping pa rin ng kanilang bagong primetime series sa Greece. Nanalo ang OTWOL ng Teleserye of the Year.

Ang Destiny Rose sa Daytime Series of the Year, Eat Bulaga para sa Variety Show of the Year, The Voice Kids Season 2 for Reality Show of the Year at Sunday Pinasaya for Comedy Show of the Year.

Si Sebastian ‘Baeby Baste’ Benedict ang nagwaging Child Star of the Year at halos lahat ay kyut na kyut dito lalo na nang-mag-speech.

Wally at Angelica, pinakamahusay na mga ‘komedyante’ ngayon!

Winners naman bilang Co­medy Actress of the Year sa Banana Sundae si Angelica Panganiban at si Wally Bayola para sa Eat Bulaga at Sunday Pinasaya. Pero si Wally lang ang nakarating sa awards night.

Nabigyan naman ng special award si John Arcilla bilang Male Breakout Star of the Year dahil sa pelikula niyang Heneral Luna. Video message lang ang naging pasasalamat niya, pero, ilan sa production ang dumating na naka-costume pa ng panahon ng Espanyol.

Ang mga Kapamilya stars na sina Cherry Pie Picache sa On The Wings of Love at Arjo Atayde of FPJ’s Ang Probinsyano ang mga nanalong Teleserye Supporting Actress at Actor of the Year.

Naging emotional sa kanyang speech si Arjo at hindi nakalimutang pasalamatan si Coco Martin.

Habang mga Kapuso stars na gumanap ng bading at tomboy sa  Destiny Rose at The Rich Man’s Daughter na sina Ken Chan at Glaiza de Castro ang mga nanalong Teleserye Actor at Actress of the Year.

Kung si Arjo ay pinasalamatan si Coco na pumili sa kanya, si Glaiza naman ay pinasalamatan si Ma­rian Rivera na personal din daw na pumili sa kanya sa TRMD, nagkataon lang na hindi ito natuloy ni Marian noon dahil nabuntis.

Nahati sa dalawang kategorya na panggagalingan ng mga winner ang Pep List. Merong PEPsters’ Choice at Editor’s Choice. Pero sa dalawang ka­tegoryang ito, parehoing runaway winners ang Aldub o sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Humakot ng awards si Alden sa Pep List Year 3 at ang biro nga rito, pinaka-busy nung gabi na ‘yun sa pagbaba-akyat niya ng stage para magpasalamat at tumanggap ng trophy. Dahil wala si Maine at nasa U.S., si Alden na rin ang tumanggap ng para rito.

Nakausap namin si Alden at masaya ito sa lahat ng nangyayari sa kanya. Hindi rin daw niya inakala dahil dalawang taon na raw siyang uma-attend ng Pep List, pero last time raw, bilang presenter siya, ngayon daw, heto’t siya na ang tumatanggap ng award(s)!

Ang napanalunang awards ni Alden ay Male TV Star of the Year, Newsmaker of the Year (Aldub), Celebrity Pair of the Year (Aldub) at Best PEPtalk episode.

Si Maine naman, Female TV Star of the Year, Female Breakout Star of the Year.

May bonus pa si Alden mula sa SM Store bilang Male Stylist Star of the Night at si Gabbi Garcia naman ang Female Stylist Star of the Night.

Tatlong magkakasunod na taon naman na palaging nananalo sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ngayong taon ay nanalo silang Wedding of The Year, pero hindi nakadalo ang mga ito.

Binigyan din ng rekognisyon ang da­lawang pep staff na sina Rachelle Siazon at Arniel Serato bilang mga Staff Wri­ters of the Year at mga contributors na sina Rommel Gonzales, Gorgy Rula at ang inyong lingkod bilang mga Top Contributors of the Year.