Una sa Balita

ANSABEEEH???: Kathryn, ‘HINUBARAN’ ni Direk Olive! “Hubo’t hubad talaga!” — Direk Olive

By
Kathryn Bernardo
0 9

Dahil nagkasa­kit, hindi nakasama sa na­ging grand presscon ng Star Cinema movie, Barcelona: A Love Untold ang director nito na si Direk Oli­via Lamasan.

Kaya naman bi­nigyan ng Star Cinema ng pocket presscon si Direk Olive at ang writer­ ng movie na si Carmi Raymundo. Nakakaaliw si Direk Olive dahil napaka-honest­ nito sa kung paano niya talaga minotivate sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Sey nga niya, “hubo’t hubad” daw sa kanya si Kathryn. Hindi na lang niya nilinaw kung paano, o kung ano ‘yon. Pero, nagpapasalamat na lang siya na walang Pinoy sa Barcelona nung time na kinukunan ang eksenang ‘yon.

Pero na-appreciate raw ng director ang pagiging open-minded ng dalawa, kung paano, naging hands-on din ang mga ito sa mga characters nila at tinanggap anumang ‘ta­lak’ niya, siguro para lang mailabas ang kailangang emosyon nila.

And so as it turned out, ‘yun nga, very happy si Direk Olive sa performances nina Daniel at Kathryn.

Tinanong daw ni Direk ­Olive si Kathryn kung bakit nito tinanggap ang project at ang sagot daw ni Kathryn sa kanya, “Inang I wanted­ to explore kung hanggang saan ko madadala ang aking acting ability.”

Naging honest din daw si Kathryn sa pagsasabi na nanggaling siya sa Pangako Sa ‘Yo at kung paano, hindi naging ganoon kaganda ang reception sa character niya dahil nakumpara siyang masyado kay Kristine Hermosa.

Malaki naman daw ang tiwala niya kay Kathryn dahil lumaki raw ito sa kanya at ang galing-galing daw nito noong bata.

Ibang-ibang Daniel naman daw ang mapapanood ng mga tao rito. Tinanong nga raw niya si Daniel kung bakit sinasabi nina Carmi na iba siya.

Ang naging sagot daw ni DJ, “Inang grabe, parang sobra kong excited dito, parang naramdaman ko na I need to focus. Kailangan kong aralin talaga ‘yung role. Naramdaman ko we’re talking about craft. Nga­yon ko lang naintindihan ano ang craft talaga.”

21 days of almost no sleep daw silang lahat at may pagkakataon daw na na-late ang dalawa pero naiintindihan naman daw niya dahil sobrang pagod na raw sina Daniel at Kathryn.

Kahit daw nung last day nila, kulang na lang lagyan niya ng toothpick ang dalawa, pero, pag action, bigay-todo raw ang mga ito.

Madalang lang magdirek ng pelikula si Direk Olive. Pero the way she talk about the movie, there’s no doubt na very happy siya na maipalabas at mapanood na nga ng lahat sa September 14 ang Barcelona: A love untold.

Mikee Quintos, ‘DA HU?’

May pressure talaga kay Mikee Quintos­ na siyang gumaganap nga­yon sa da­ting role ni Jennylyn Mercado bilang si Lira sa Encantadia. Kahit na naka-appear na naman si Mikee in the past sa ibang teleserye ng Kapuso network, hindi mawawala ang ilang bashers at nagsasabing, ‘Da Hu?’ si Kapuso teenstar.

Pero sa kabila nito, siguradong natutuwa naman si Mikee dahil marami ang naiintriga sa kung sino nga siya at marami ang nagagandahan sa da­laga.

Halata rin na naging close sila ng gumaganap na ‘nanay-nanayan’ niya sa Encantadia na si Angelu de Leon at nag-post pa nga si Angelu­ nang, “Happy to work with this beautiful lady. So proud of our scenes together. Thank you for taking all my tips. Keep up the good attitude and always be professional. Love you anak! I’ll always be your Mamu. Avisala Eshma Mikee.”

Sa isang banda, bagama’t may pressure na nararamdam ang aktres, nananatili itong focus sa kanyang karakter at talagang pinag-aaralan niya ito ng mabuti lalo na nga na dating role ng Ultimate Star ang binigay sa kanya.

“Pressured of course, because look at her now, how big she is. I don’t want to compare that much kasi iba-iba naman lahat when you attack a role. I tried researching din and nanonood ako ng da­ting Encantadia, inaral kung papaano niya ginampanan si Lira.

But then ‘nung dumadami na ‘yung scenes niya, nag-stop ako manood kasi baka magaya ko siya. I focused on studying the script and how am I gonna give life to Lira in my own way.”