ANSABEEEH???: JULIE ANNE AT BENJAMIN, TULOY ANG LAMBINGAN!

By

Kahit hindi na magkasama sa kanilang proyekto ang mag-dyowang Julie Anne San Jose at Benjamin Alves, very much the same pa rin daw ang anumang meron sila.

Sa loob ng isang linggo ay sigurado raw na nagkikita sila. Either dumadalaw si Benjamin sa bahay nila or lalabas sila.

ILYSB 🎵

A post shared by Julie Anne San Jose (@myjaps) on

Open din daw ang communication nila kaya kahit hindi sila palaging magkasama katulad noong ginagawa pa nila ang Pinulot Ka Lang Sa Lupa, wala raw problema dahil maraming means naman ngayon para magkausap.

Nakausap namin si Julie Anne sa Enchanted Kingdom kunsaan, isa siya sa nagpasaya sa mga kapuso sa ginanap na GMA Kapuso Family Day 2017. 

May bagong teleserye si Benjamin habang si Julie Anne naman, gusto raw niyang mag-focus muna sa ngayon sa singing niya.

Kunsabagay, hindi naman talaga si Julie Anne ang tipo ng artista na one after another kung gumawa ng acting projects at mas kilala talaga siya bilang isang singer.

Posibleng magkaroon daw siyang muli ng major concert this year. At sa serye, isa rin si Julie Anne sa nga nahihilig ngayon sa mga Korean drama series.

In fact, kung gagawa raw siyang muli, gusto raw niyang gumawa naman ng mga light-romance ang tema.

Halos lahat daw kasi ng nagawa na niya, puro mga drama talaga.


“If ever na magkaroon ng Korean drama, sabi nila, sabi nila ha, gusto raw nila magawa ko ‘yung Descendants of the Sun. Ewan ko, sabi ko bakit? Sabi ko nga, baka sa bangs? Ha! Ha! Ha!

“Pero gusto ko rin ‘yung Weightlifting Fairy Kim Bok Joo.”

‘Yun daw ay kung mabibigyan siya ng opportunity. Pero kung pamimiliin daw siya sa dalawa, puwede raw kayang both dahil ang hirap daw mamili.

Si Benjamin pa rin ba ang gusto niyang maging leading man?

“Hopefully I get to work with him again in the near future. Pero, I’m not really closing my door naman to work with other artists.

Wala naman akong pinipili in particular na gusto.  Open ako sa lahat.”

SUNSHINE, CLOSE PA RIN SA TATAY NG EX-HUSBAND NIYA! 

Kahit matagal-tagal na ring hiwalay si Sunshine Dizon at ang mister niya na si Timothy Tan, makikitang maganda pa rin ang relasyon ng bida ng pinaka-matagumpay na afternoon prime ng GMA-7, ang Ika-6 Na Utos sa kanyang in-laws, particular na sa kanyang father-in-law.

Noong Father’s Day, binati ni Sunshine sa kanyang Instagram account na m_sunshinedizon ang dalawang Tatay at Lolo ng mga anak niya na sina Doreen at Anton.

Ang Daddy niya na naka-base sa America at ang Chinese father-in-law niya na sa Guagua naman nakatira.

Dalawang beses nag-post ng pagbati si Sunshine sa kanyang biyenang lalaki kunsaan, kasama rin sila ng mga anak sa picture.

Ang unang post ni Sunshine, sinabi nitong, “Happy Father’s Day Daddy Chong. Thank you for being my second dad.  We love you.”

Ang sumunod na post naman niya, mismong araw na ng Father’s Day at kung pagbabasehan ang mga pictures, tila lumabas at kumain sila kasama ito.

Kasama rin nila ng mga anak niya at ng biyenang lalaki ang Mommy niya na si Mommy Dorothy Laforteza.

Bukod sa obvious na hindi na pagbati ni Sunshine sa ama ng dalawang anak, wala rin ito sa larawang pinost niya kaya posibleng hindi rin naman nila ito kasamang nag-celebrate ng father’s day.

Mahigit isang taon na rin simula nang lumabas ang balitang hiwalay na sila ng asawa kunsaan, may third party nga na lumalabas at marami ang humahanga kay Sunshine sa katatagan na ipinapakita nito bilang isang babae.

Kaya tingin nga namin, sa sobrang daming nakaka-relate kay Sunshine, mas lalong naging epektibo at mas lalong marami ang naapektuhan sa karakter niya bilang si Emma sa Ika-6 Na Utos.

Kung totoo rin ang balita namin, mukhang posible pa itong umabot ng isang taon, especially now that another equally good actress na si Angelika dela Cruz naman ang bagong magpapahirap kay Sunshine ha.

SHARE