Una sa Balita

ANSABEEEH???: JEAN, SOBRANG SAKIT NG SAMPAL KINA ARA, JULIE AT LJ!

By
Jean Garcia
0 5

Pulang-pula ang pisngi ni Julie Anne San Jose sa sampal na tinamo niya kay Jean Garcia sa ­afternoon prime nila na Pinulot Ka Lang Sa Lupa.

Pinost namin ang picture na ‘yun ni Julie sa Instagram with matching caption kung bakit red na red ang pisngi nito.

Pero sadyang naglipana ang bashers sa social media. May nag-comment pa rin na, “blush on pa more” sa Kapuso star.

Nasampal na ni Jean ang tatlong co-stars niya sa PKLSL na sina LJ Reyes, Ara Mina at ang latest nga ay si Julie Anne. Hindi namin nakita si Ara sa ­taping nang dumalaw kami.

Not sure kung wala na ba ito, although, nakita naming nag-post sa IG niya na nasa taping nga.

Si LJ naman, “ang sakit!” ang natawang ­reaksiyon sa sampal sa kanya at napapaisip na nga raw kung siya ba talaga ang kontrabida sa serye nila dahil ­palagi raw siyang nasasampal.

Sabi naman ni Jean, tinatanong daw niya ang mga co-stars niya kung okey lang sa mga ito na ­totohanang sampal.

Aniya, “Tinatanong ko naman sila. Totohanin ko ba Direk? Gusto nila totoo. So, sige, sigurado kayo ha. Eh, sigurado raw.”

Pinuri naman ni Jean si Julie Anne among the young stars. Para rito, very good daw ang singer/actress.

“She’s very good ha. Ako, hindi lang dahil ka-ano ko siya. Unang-una, magaling umiyak ang bata. Two, nararamdaman niya.

Meron kasing ­umiiyak na wala, pero ‘eto, kapag umiiyak, mararamdaman mo ­talaga.”

Natawa naman si Jean at ‘wag na raw siyang ­ipa-name drop kung sino ang mga young stars na hindi maramdaman kahit iyakan na.

Dugtong pa niya, “Happy naman ako kasi, ‘yung younger actors now are very dedicated. Nai-in-love sila, nagkakaroon sila ng karelasyon, pero hindi nila napababayaan ang trabaho.”