Una sa Balita

ANSABEEEH???: Jean, madalas mag-‘I Love You’ kay Jomari!

By
Jean Garcia
0 2
Jean Garcia
Jean Garcia

Nag-explain talaga si Jean Garcia kung bakit nagsasabihan sila ng “I Love You” ni Jomari Yllana kahit sa FB nila at kung sila na nga bang dalawa. Ang sey ni Jean, 2 years na raw silang close friends ni Jomari since nagkasama nga sila sa ilang projects at sa tagal nilang nagsama sa My Half-Sisters.

Pero, talagang close lang daw sila at wala naman daw silang romantic relationship. ‘Yung pag-I love you nila, parang normal na raw sa kanila as friends.

Nali-link daw siguro sila dahil nga sa closeness nila at nang tumakbo si Jomari last election, isa rin siya sa nagbigay ng suporta rito. Madalas din, kapag may nilulutong pagkain si Jean, naisi-share niya ito rito at gayundin daw ang Mommy ni Jomari na nagpapadala ng pagkain sa kanya.

Ngingiti-ngiti ito kaya parang feeling tuloy namin, naka-hang at hindi nakakapagtaka kung totoong sa ngayon ay wala pa silang relasyon, eventually, mauuwi rin dun, huh!

Two years na raw siyang walang lovelife at okey naman daw siya dahil sobrang busy rin naman daw niya dahil may restaurant business din siya, bukod sa da­lawang pelikula nga ang natapos niya sa taong ito.

Si Jean nga ang isa sa mga bida ng Chinoy, Mano Po 7. Ang gumaganap na asawa niya rito ay si Richard Yap pero may love scene sila ni Jake Cuenca. Love scene kung love scene si Jean sa The Escort with Derek Ramsay, pero ibang-iba naman daw ‘yun sa love scene nila ngayon ni Jake.

Nalungkot din si Jean nang malaman na hindi sila nakasama sa MMFF at nang mabasa nga raw niya sa wazz up group nila, akala raw niya, dyino-joke lang siya.

Hindi man nakasama, para kay Jean, she just look at the brighter side at heto nga, mauuna pa sa MMFF, showing na sila sa December 14.

Vice Ganda, iginiit na ‘quality’ ang movie nila ni Coco!

Nagpapaka-positibo si Vice Ganda sa kabila ng naging paraan ng pagpili ng selection committee sa MMFF at hindi pagkakasama ng The Super Parental Guardians na movie nila ni Coco Martin.

Positive naman kasi ang nakuha niyang feedback at comments, lalo na sa mga taong sanay na talaga at siya talaga ang isa sa pinapanood tuwing Kapaskuhan.

‘Yung movie nila ni Coco last year was more than 500 million ang kinita. Ayaw na mag-dwell ni Vice sa sinasabing quality movies lang ang nakuha dahil sabi nga niya, ang word na quality naman is subjective.

“What is quality to you might not be quality to me, kaya hindi tayo dapat magtalo-talo sa kung ano ang quality.”

Pero para sa kanya, kung quality ang pag-uusapan, ito ‘yung naibibigay nila kung ano ang gusto ng manonood.

Aniya, “When you give the people what they want to have and what they want to feel after watching the movie. ‘Yung paglabas nila ng sinehan, nakuha ng tao ang gusto niyang makuha pagkatapos ng pelikula na ‘yun. ‘Yun ang quality. At nararamdaman ko, all my movies were all quality dahil ang mga gustong maramdaman ng mga tao ay nakuha nila.”

Good vibes lang si Vice at positive ito na sa pagpapalabas ng The Super Parental Guardians sa November 30, kini-claim na niyang posibleng mahigitan pa nito ang kinita sa takilya ng huling pelikula nila ni Coco.