Una sa Balita

ANSABEEEH???: JC, nakita na ang kaluluwa ni Nathalie!

By
0 5
Nathalie Hart
Nathalie Hart

Nangingiti lang si JC de Vera nang sabihin namin sa kanya na ayon sa leading lady niya sa Cinema One Originals entry na Tisay na si Nathalie Hart, na sa lahat daw ng naka-love scene nito, kay JC siya pinaka-kumportable.

Ang sagot ni JC, “natural lang ‘yun kasi, nakita ko na buong kalu­luwa niya kaya walang dahilan para hindi siya maging comfortable.”

Ang tinutukoy niya ay ‘yung ginawa nga nilang love scene sa movie. Na tulad ni N­athalie, ang wish din ni JC, though, pareho silang recently winners of acting awards, si JC sa Q Cinema as Best Actor, ‘yung movie raw sana nila ang mapansin at manalo na Best Picture.

Kahit na nakita na ni JC ang buong kaluluwa ni Nathalie, mukhang naging close sila as friend. Pareho sila ng management, pero after gawin ang Tisay dun lang daw sila naging more than hi and h­ello. Na-a-appreciate ni JC ang pagiging professio­nal daw nito.

Secretive si JC nga­yon pagdating sa lovelife. As in, ayaw nitong magkuwento kung meron man siyang non-showbiz girlfriend. Eh hiniritan namin ang alam namin, meron.

Katwiran niya, kung wala o meron man daw, tipong hindi na ito parte ng trabaho niya.

Ganern!

Parents ni Lee, mamamanhikan
na kay Pokwang sa 2017!

Pokwang
Pokwang

Walong taon na ang Banana Sund8 mula pa sa orihinal nitong Banana Split. Hanggang sa magkaroon ng iba’t ibang timeslot at iba-ibang format kaya nga nagkaroon ng Banana Split Extra Scoop, Banana Nite, etc.

Sa timeslot naman nila ngayon na Banana Sund8 na napapanood tuwing Linggo ng hapon, isang taon na itong namamayagpag.

Palagi naming sinasabi na kung may formula man ang gag show na ito ng ABS-CBN, ‘yung samahan ng cast at productions talaga. Kaya nga kapag naging parte ng Banana Sund8, siguradong ipaglalaban na hindi sila mawawala sa show.

Given na si Angelica Panganiban na nag-iisang orihinal na cast ng show kung gaano nito kamahal ang show niya at mga kasama niya rito.

Gayundin si Pokwang na early years of Banana Split ay naging parte na nito at kahit may mga pagkakataon na nawawala siya dahil may seryeng ginagawa, bumabalik at bumabalik talaga siya.

“Bilang nagsimula talaga akong komedyante. Kailangan ko ‘to, eh. Kailangan ko ang Banana. Dito ako humihinga ng bonggang-bongga.

“Dito, sumusweldo na kami, masaya pa.”

Wala raw plano si Pokwang na iwan ang Banana Sund8 at kahit pa raw mag-asawa siya.

Hirit pa niya, “Sabi ko next batch namin, mga anak naman namin. At saka, sabi ko nga, nagkaroon na ako ng maraming trabaho, pero ang Banana hindi ko iiwan.

“Hindi lang dahil sa trabaho kung hindi dahil sa mga kasama ko rito.”

Happy din ang puso ni Pokwang sa kanyang American boyfriend na si Lee Brian. Na-meet na raw niya ang parents nito at darating din sa bansa.

“Last month na-meet the parents ko na. Itong January, darating sila. Magmi-meet ulit kami.”
Kasalan na?

“Masaya lang kami, ang importante lang masaya kami. Inspirasyon. Tingnan natin sa January pagdating ng parents.”

Mamanhikan?

“Ay, tingnan natin pero ‘wag tayong mag-expect.”

Anyway, may pasabog na treat ang Banana Sund8 sa kanilang ika-walong taong anibersaryo. Magaganap ito sa Kia Theater sa November 17 at may kanya-kanya raw silang dalang surprise guests.

Paolo, supportive dyowa kay LJ!

Paolo Contis at Lj Reyes
Paolo Contis at Lj Reyes

Napaka-supportive na dyowa ni Paolo Contis kay LJ Reyes. Nagkataon naman na walang taping si Paolo sa Alyas Robin Hood kaya all-out support ito kay LJ nang mag-pamper ng ilang mommies sa Posh Nails.

Biro namin kay Paolo, siya ang publicist ng MApp, ang brain child at bagong baby ni LJ dahil mega-assist ito at kuwento rin about the app. Anyway, isa itong Mommy app na puwedeng i-download sa phone.

Mukhang happy si LJ both personal and professional life niya. Nagsimula na siya sa bagong serye na Pinulot Ka Lang sa Lupa kunsaan, gagampanan niya ang dating role ni Maricel Soriano.

Sa personal naman, happy sila ni Paolo at masaya rin ito na kamakailan lang, kasama ang pamilya ni Paolo, nakapagbakasyon sila sa Cebu.

Close raw kay LJ ang dalawang anak ni Paolo, lalo na si Xonia. Same way na very close rin si Aki kay Pao. Plano nilang bumalik muli sa Cebu bago mag-Pasko to spend more time with the kids.

Sa Christmas break kasi ni Aki, lilipad naman silang tatlo papuntang New York kunsaan, doon na sila magse-celebrate ng Christmas at birthday niya with LJ’s mom.