Una sa Balita

ANSABEEEH???: JC de Vera, bet na bet ni Nathalie!

By
0 176
JC de Vera
JC de Vera

Obviously, naloka rin ang director na si Joel Lamangan kay Nathalie Hart dahil sa na­ging reaksiyon niya at paghi-hysterical nang i-shoot ang mga love scenes niya sa pelikulang Siphayo.

Knows naman daw niya na may love scene at nabasa nga raw niya ang script, may posibilidad na frontal, pero hindi raw talaga niya na-anticipate ang execution na gagawin ng director. Na magiging very graphic daw pala.

Nasabi raw kasi niya na, “My God, porn ba ‘to?!”

Kaya naman naglitanya rin si Direk Joel na, “I’m not a porn director! I am–this is a proper movie and I direct proper film! This is a love scene and you have to do it, you read the script!”

Nathalie, pumalag sa utos ni Direk Joel!

Umiyak at hysterical na raw siya, pero na-appreciate raw niya na bilang director, habang nagda-drama na ang actor nito, naging relax lang daw si Direk Joel para mag-calm down siya.  At kung mabibigyan ng pagkakataon, gugustuhin pa rin daw niyang mai-direk pa rin ni Direk Joel, pero sana raw, ibang tema naman na.

Kaya nang gawin daw niya ang eksena, ini-all-out na raw niyang talaga at para hindi na magpaulit-ulit ang take.  Kay Luis Alandy ang naturang scene niya.

Sey naman ni Nathalie, “After doing the scene, I’m happy. ‘Yun nga lang, hindi lang kasi ‘yun ang scene na ‘yun.”

Eh, may napaka-erotic love scene pa siya sa talahiban kasama naman si Joem Bascon. Feeling ni Nathalie, ang Siphayo na raw ang pinaka-boldest role niya, pero nilinaw nitong hindi siya bold movie dahil talagang may kuwento ang pelikula nila.

Hindi na niya alam kung may ibo-bold pa ba siya bilang bukod sa erotic love scenes niya nga with Joem and Luis, e, may frontal nudity pa siya. May next indie film din siya, ang ‘Tisay’ naman kunsaan, kasama niya sina JC de Vera at Joel Torre na daring din daw.

At isa pa, ang ‘Balatkayo’ kasama naman sina Aiko Melendez at Polo Ravales.

At kung pamimiliin ito sa lahat ng mga naging leading men o naka-love scenes niya, si JC ang pinaka-bet niya.

Jaclyn, dapat mag-sorry kay Albie
Jaclyn, biktima rin!

Andi at Jaclyn
Andi at Jaclyn

Wala pa rin nagpapa-grant ng interview sa mga kapamilya ni Andi Eigenmann pagkatapos ngang isiwalat ng kapatid nito na si Max Eigenmann na si Jake Ejercito at hindi si Albie Casiño ang ama ni Ellie base raw sa resulta ng DNA test.

Kahit na nag-post na ng kanyang official statement si Jake at si Andi naman ay nagbigay na rin ng kanya.

Sa kabila nito, marami ang naghihintay kung ano raw kaya ang magiging statement o reaksiyon naman ng Nanay ni Andi at Cannes Best Actress na si Jaclyn Jose.

Biglang nag-throwback ang karamihan, lalo na ang netizens na diumano’y ang daming naging negatibong pahayag hindi lang ni Andi, kung hindi maging ni Jaclyn nang malamang buntis si Andi at ayaw panagutan ni Albie.

Albie Casiño
Albie Casiño

May nagsasabi pang dapat daw, hu­mingi rin ng sorry o apology si Jaclyn. Pero kami naman, tinitingnan din namin ito na biktima rin ang aktres bilang Nanay ni Andi at Lola ni Ellie, siyempre, binase lang din naman niya ang damdamin niya noon at mga naging pahayag sa kuwento ng anak.

Kaya, masisisi mo nga ba ang ina kung makapagsalita ng hindi maganda sa lalaking buong-akala nito, ayaw panagutan ang anak niya?

Anyway, pagkatapos na mag-post ni Jake, nag-post na rin ng magkasunod sa kanyang Instagram account ang aktres.

Ang una ay ang larawan ni Ellie kasama ang bunsong anak ng aktres at ang nakasaad sa caption ay, ‘My two precious.’

Sinundan pa ito ng solo picture ni Ellie na ang nakalagay naman, “I will protect you with my life.”

‘Yun nga lang, base sa mga nag-post ng comments sa kanyang IG account, meron talagang nagba-bash at meron din namang nagtatanggol at nagsasabing, “you don’t know what’s really going on people so please give them respect.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy