Una sa Balita

ANSABEEEH???: Jake, umamin sa ‘pagkakamali’ kay Jericho!

By
0 2
Jake at Jericho
Jake at Jericho

Hindi raw si ­Jericho Rosales ang ­“inaway” ni Jake Cuenca dahil nalasing nga ito sa nakaraang Star Magic Ball. Inamin ­naman ni Jake na nala­sing siyang tala­ga at ang hand­ler niya sa Star Magic ang nakadiskusyonan niya.

Nagkataon na ‘yun daw ang time na tinatanggap ni Jericho ang Icon Award niya.

Hindi rin naman inaway ni Jake ang handler, nagkataon­ lang na sinusuway ­siya nito dahil lasing at maingay na nga. ­Pero ‘yun nga, dahil lasing, hindi alam ni Jake ang pinaggagawa.

Ang maganda lang, from what we heard, tinawagan pa rin daw ni Jake si ­Jericho at nagpaliwanag at the same time, nag-sorry rito. Na tinanggap at in-assure naman daw ni Echo kay Jake na wala ‘yun sa kanya.

Walang date si Jake sa Star Magic Ball na kung tama ang pagkakatanda namin, first time na wala siyang ka-date.

So alam na, mas okey pa rin na may kasama siyang ­special someone dahil sa ka-date niya ito mas tutok kesa maparami ng inom.

Bianca-Miguel fans, galit kay Jak Roberto!

Tapos na ang pilot episode ng Usapang Real Love ng GMA 7 kun’saan, ang loveteam nina ­Bianca Umali at Miguel Tanfelix ang nag-pilot at ka-triangle nga nila si Jak Roberto.

Pero kung pagbabasehan ang ilan sa nababasa namin sa Twitter, mukhang sa mga fans, lalo na ng BiGuel fans, hindi pa tapos ang triangle ng tatlo.

Bakit parang naniniwala silang hindi lang on-cam ang love triangle nila, kahit off-cam? Sa mga postings lang din ng mga fans namin nasisilip kung tama nga ba na may something between Bianca ang Miguel at ang dahilan, si Jak?

Obviously, negative ang napi-feel ng mga fans kay Jak, pero parang kay Bianca, gayundin ang feeling ng ilang BiGuel fans.

Totoo nga bang nakikitang magkasama palagi sina Bianca at Jak? No wonder if true, papalag nga ang BiGuel fans, huh!