Una sa Balita

ANSABEEEH???: JAKE, NABALIAN, SUGATAN SA AKSIDENTE!

By
0 10

Masayang-masaya pa si Jake Cuenca sa nakaraang triathlon niya na ginanap sa Subic noong Linggo, pero isang araw lang ang nakalipas, na-involved na si Jake sa isang aksidente sa may MOA Arena habang nagti-training para sa susunod niyang triathlon sa Cebu naman.

Hindi raw nakapag-preno agad si Jake, ayon sa Mommy niya­ nang may makitang truck.

Hindi rin daw masisisi ang driver ng truck dahil si Jake ang bumangga sa truck sa hindi nga niya pagkaka-tantiyang mag-break agad.

Bukod sa sugat sa may chin, may dalawang fracture o na­bali sa kamay ang Kapa­milya actor na kaila­ngang ­operahan. Ite-test pa rin kung may iba pa bang naapektuhan sa katawan niya.

Siyempre, hindi mawawala ang matinding pag-alala ng mga magulang ni Jake, pero­ at the same time, naniniwala sila na magiging aral kay Jake ang nangyari para mas maging maingat pa.

Naging passionate talaga si Jake sa pagiging tri-athlete si­mula nang simulan niyang gawin ang pinagbibidahan nilang tele­serye ni Gerard Anderson na marami na rin ang naghihintay kung kailan ito ipapalabas.

Ang discipline ng isang tri-athlete ang pina-practice ni Jake kaya aminado itong na-lessen na rin ang time niya na gumimik sa gabi kung may chance at kahit sa lovelife, naka-focus lang ang actor sa bagong sports.

Pero dahil sa pangyayari, siguradong wala itong magagawa kung hindi magpahinga muna rito at hintayin muna ang tuluyang paggaling.

BENJAMIN, SOBRANG INSPIRADO KAY JULIE!

Julie Anne at Benjamin
Julie Anne at Benjamin

Malaking karangalan para sa Kapuso actor na si Benjamin Alves ang mapili bilang Ambassador ng GMA Network Excellence Award (GNEA). Ikalawang taon na raw nito at nagpupunta nga siya sa mga school para mapag-usapan kung paano siya naging summa cumlaude and his background.

Kadalasan daw na College of Engineering at Communication ang pinupuntahan nila.

Feeling honored si Benjamin dahil bago siya, bukod-tanging ang Kapuso Primetime King lang na si Dingdong Dantes ang dating Ambassador ng GNEA. At mas feeling proud pa ito dahil alam niyang kasama rin si Dingdong sa proseso ng pagpili ng bagong ambassador.

Ayon kay Benjamin, “Masaya po. Du’n ko po lalong na-appreciate si Kuya Dong kasi you know lahat naman po kami ina-idolize si Kuya Dong. ‘Yung talino niya po, iba, eh! Ano siya, he’s very know­ledgeable.

“‘Yung kapag nag-panel interview kami sa mga estudyante ‘yung mga questions niya talagang educated, e. So wow!

“I never saw that side of him, kasi I never got to talk to him so it’s always nice to see na si Kuya Dong na sobrang icon na sa industry especially in GMA na he’s still able to surprise us and make me appreciate him in another aspect.”

Obvious naman na masaya lang talaga ngayon si Benjamin dahil bukod sa pagiging GNEA Ambassador, masaya rin siya sa afternoon prime nila na Pinulot Ka Lang Sa Lupa kunsaan, halos araw-araw na nga ay magkasama sila ng rumored girlfriend na si Julie Anne San Jose.

Hindi man umaamin talaga kung ano talaga ang totoong label nila, base sa mga nagiging sagot at paha­yag na lang niya, hindi maikakaila na sila na naman ‘no!

“Kahit naman po walang label na hinahanap o hinihingi po ‘yung mga tao, na ‘Ano ba kayo?’, inspired naman po kami. I look forward to seeing her every day at work, excited ako pag alam ko na sa mga eksena kasama ko siya, mas mada­ling gawin ang eksena pag kasama ko siya.

“But iyon hindi naman po nawawala ‘yung pagiging si Julie ang inspirasyon ko and na-bless nga po kami na may soap kaming magkasama , so iyon po.”

At dahil grabe raw ang pinagdadaanan ng mga karakter nila sa serye ni Julie bilang sina Santina at Ephraim, nasabi ni Benjamin na sana raw, hindi raw nila maranasan ‘yun ni Julie sa totoong buhay.

“Sana huwag naman! ‘Di ba parang nakakalungkot naman kasi ‘yung mga nangyayari sa amin as Ephraim and Santina.”