Una sa Balita

ANSABEEEH??? HEART-CHIZ ‘BABY’, MADE IN ITALY?

By
0 4

heart-chizNormal na sa tuwing ganitong Holy Week, siguradong nasa iba’t-ibang lugar ang mga artista para makapagbakasyon. ‘Yung iba, sa iba’t ibang lugar sa probinsiya, pero marami rin ang nasa ibang bansa.

Tuwing Holy Week lang kasi mahaba-haba ang araw na walang trabaho kaya sinasamantala na ito ng karamihan.

Ang mag-asawang Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista ay kasalukuyang nasa Florence, Italy ngayon.

Kung tama ang pagkakatanda namin, after election ay ngayon pa lang talaga sila nakapagbakasyon na magkasama ng malayu-layo. Posible kayang maging Made in Florence ang first baby nila? Huh!

Naisulat na nga namin na ang mag-dyowa na sina Max Collins at Pancho Magno ay biglang naisipang magbakasyon sa Paris kahit isang linggo lang.

Sina Mikael Daez at Megan Young, Kris Aquino and Bimby ay nasa Maldives naman.

Karamihan ng Star Magic artists ay nasa America for their Star Magic show tour. At kahit balik tambalan si Kim at Gerald, off-cam, walang duda na si Xian Lim pa rin ang pinakamalapit na lalaki.

Zoren, sikat agad bilang Emre!

Tuwang-tuwa si Zoren Legaspi na nagbabalik- Kapuso dahil sa pagganap niya sa karakter ni Bathalumang Emre, ang kinikilala na mabuting Bathala sa Encantadia.

Ilang araw pa lang siya halos na napapanood sa telefantasyang ito ng GMA 7 kaya hindi raw niya ine-expect na may recall na agad sa tao.

Ayon kay Zoren, “Kasi, natuwa ako noong isang araw, talagang sa labas, ang tawag na nila sa akin, Emre. Nakilala nila ako bilang si Emre, ‘pag ganun, ang bilis agad ng recall sa tao. Sobrang nakakatuwa.”

Kahit daw sa social media, nagugulat ang actor kung paano raw pag-usapan ang karakter niya.

Lalo na nang maglaban sila ng bago rin kasama sa cast na si Ian de Leon bilang si Bathalumang Keros.

Ang alam namin, marami pa talagang mangyayari sa Encantadia lalo na’t ‘di na rin nalalayo ang pagtatapos nito since nagte-taping na ang papalit dito na panibagong telefantasya na Mulawin vs. Ravena.