Una sa Balita

ANSABEEEH???: Heart, bongga ang pa-birthday sa Korean actor!

By
0 78

Kilala na si Heart Evangelista na mahilig magpakain sa bago niyang bahay, lalo na ng kanyang mga Instagram followers.

Simula nga nang lumipat na siya sa bagong bahay, iba’t ibang grupo ng kaibigan at pamilya niya ang pinaghahanda ni Heart “with a style.”

Nagpa-sneak peak muna si Heart ng table set-up niya at pinahulaan sa kanyang Instagram followers kung sino raw kaya bisita niya.

Meron naman agad nakahula na para sa kanyang Korean star leading man na si Alexander Lee.

Noong July 29 ang birthday nito at dito na sa bansa nag-birthday si Xander dahil kasalukuyan silang nagte-taping ng My Korean Jagiya.

Si­yempre, ang cast at staff ng My Korean Jagiya ang kasama sa pa-birthday dinner ni Heart sa kanyang leading man.

Hinihintay naming mag-post si Xander sa pa-birthday dinner sa kanya ni Heart na sa mismong bahay pa nito ginawa, pero habang sinusulat namin ito ay wala pa itong pinu-post.

Ang super post sa IG niya ay ang isa pa nilang Korean co-star na si David Kim.

Bait na bait din ito kay Heart na nag-comment na, “you’re so kind” sa misis ni Senator Chiz Escudero.

Ilan sa nakita naming menu na inihanda ni Heart ay ilang Pinoy food tulad ng lechon at alimango at alimasag.

Bukod sa pa-birthday dinner, nag-post din si David Kim ng video kunsaan, kasama nila si Senator Chiz at tila nagta-try sila ng target shooting sa bakuran pa rin ng bahay ni Heart.

For sure, happy ang mga Korean co-stars ni Heart sa hospitality ng mga Pinoy na ipinapa­kita at pinaparamdam sa kanila.

Kris, tutok na tutok din sa Ika-6 Na Utos…

Sa rami na ng mga positive reviews at consistent na pagiging top-rater, not to mention, ilang extension na ng afternoon prime ng GMA 7 na Ika-6 Na Utos, heto at another nakaka-good vibes para sa staff at cast ng serye ang naging rebelasyon ni Kris Aquino sa huling presscon niya. Inamin nito na pinapanood niya sa iflix ang Ika-6 Na Utos.

At dahil alam ni Kris na very close ang bida ng Ika-6 na si Sunshine Dizon at si Iza Calzado na naging co-star ni Kris dati sa movie at nagkita nga sila kamakailan lang, nag-text si Kris dito na, “Please don’t forget to tell Sunshine. Bimb & I are huge fans. Episode 38 na of Ika 6 on iflix.”

Ipinorward naman ni Iza ang message na ito ni Kris kay Sunshine. Si­yempre, sobrang saya at thankful naman ni Sunshine sa paghanga ni Kris sa kanya at panonood ng serye nila nina Gabby Concepcion, Mike Tan, Ryza Cenon, at Angelika dela Cruz.

Sey ni Sunshine, “Thank you Ms. Kris Aquino. We appreciate it.”

Anyway, bukod nga sa mga ganitong paghanga sa serye nila, aba e, heto’t pataas pa nang pataas ang rating nila. Kamakailan lang, nakapagrehistro ito ng 10.2 ratings kaya tuwang-tuwa ang lahat.

Rochelle, gulat na gulat sa surpresa nina Max at Andrea!

Hindi inakala ni Rochelle Pangilinan na ganu’n pala siya ka-espesyal sa mga kaibigan. Ang dalawa sa maids of honor niya na sina Max Collins at Andrea Torres ay nag-prepare ng bridal shower para sa kanya.

Very elegant theme in Discovery Primea ang ibinigay na pa-bridal shower ng dalawa kay Rochelle at sila rin ang nag-host ng event.

Most of the guests are from the production people of Kapuso network na malapit din kay Rochelle. Tinawag nila itong #LaRocheVita.

Surprise ito kay Rochelle kaya gulat na gulat siya pagdating ng venue. At sabi nga niya sa kanyang post, “Sino ba naman ako? ‘Yan ang tanong ko sa sarili ko pagkatapos ng surprise bridal shower para bigyan ako ng ganitong klase ng pagpapahalaga ng mga taong mahal ko. I am blessed.”

Ang araw ng kasal nina Rochelle at Arthur Solinap na nauna nang binigyan ng stag party ng dalawa sa Best Men niya na sina Carlo Gonzales at Dingdong Dantes ay sa August 8 sa Tagaytay City.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy