ANSABEEEH???: “FAITHFUL AKO KAY MAINE! — ALDEN

By

Dalawang taon na ang AlDub. Kumbaga sa mag-dyowa, 2nd year anniversary na nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Sobrang dami nilang pinagdaanan sa loob ng 2-years. Whe­ther meron o wala nga sila sa totoong buhay, sa pinagsamahan, pinagsaluhan at pinagdaanan nila, aba e, daig pa kaya nila ang totoong mag-dyowa ng ilang taon na.

ichigo ichie 一期一会 #AlDub2ndAnniversary

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm) on

Nang aksidenteng makita at makausap nga namin ng saglit si Alden, ramdam namin sa kanya kung gaano siya ka-grateful sa Aldub. Kung paano naging napaka-importante ng bahagi ng buhay niya si Maine.

Hindi raw niya makakalimutan ang July 16, 2015 dahil ito ang araw nagsimulang mabago ang buhay nilang dalawa ni Maine. Pahapyaw ay natanong din namin si Alden sa mga nali-link sa kanila ni Maine.

May nali-link na actor kay Maine. Pero mabilis itong sinagot ni Alden even without me mentioning any name pa na, “Ang dami na naming pinagdaanan ni Maine. Hindi ko na pinapansin ang mga ganung bagay. Malaki ang tiwala ko kay Maine.”

Sa part naman niya kahit na may mga nali-link din mapa showbiz o non-showbiz man, ang bilis ng sagot ni Alden sa amin nang, “Faithful lang ako kay Maine.”

O ha! 

Naku ha, in fairness nga sa Pambansang Bae, for 2-years, nakita namin ang consistency niya na yun pagdating kay Maine.

Dennis, puring-puri ni Direk!

Alam namin malapit na rin si­mulan ang pelikulang pagsasamahan nilang muli ngayong taong ito. Sobrang bilib si Direk Dominic Zapata sa cast ng Mulawin vs. Ravena.


Desidido raw ang lahat ng mga artista na mag-improve everyday at galingan pa para sa ikagaganda ng show.

Dagdag pa niya rito ang kanyang papuri kay Dennis Trillo na gumaganap bilang Haring Gabriel.

Ayon kay Direk Dom nang makausap namin sa taping ng MvsR, “Dennis is impressive. I think a lot of his co-actors learn a lot from him.

As a viewer there’s a wealth of talent in what he does. P’wede mo siyang ilagay kahit saan at gagalingan niya.”

Puring-puri din ni Direk ang mga mas batang members ng show. 

“Gusto ko si Kiko (Estrada) kasi I like his work ethics. I like that he tries to better himself everyday, and I could say the same thing for all my actors.

It has become a culture in their group not only when it comes to acting, pati sa pangangatawan nila obvious naman kay Derrick, or sa kanilang moves.

The following day you see that they’re a little bit better and better. That’s the culture that I try to inculcate in the group.”

Well, their hard work pays off dahil gabi-gabi ay dalang-dala talaga kami sa mga pangyayari sa Mulawin vs. Ravena.

Balita pa namin ay very proud at masaya ang GMA bosses dahil sa quality ng show at ng team behind it.

SHARE