Una sa Balita

ANSABEEEH???: Erich-Daniel, todo-pakilig sa mga Pinoy sa S’pore!

By
0 6

Posibleng pauwi na rin sina ­Daniel ­Matsunaga at ­Erich Gonzales mula sa Singapore. Natuloy nga ang pagte-taping nila sa naturang bansa at kahit ipapalabas pa lang ang mga eksenang ­kinunan nila rito, base sa mga postings nina Daniel at Erich sa kanilang Instagram account, may hint kami na mukhang sa SG na magaganap ang matagal na inaasam ng mga viewers ng Most Watched Daytime Teleserye ng Kapamilya network bilang sina Phil at Pinang.

Kahit na sinabi noon na mukhang diretsong ­taping lang sila sa Singapore, walang-duda na ­naisingit din ng Team Real loveteam nina Erich at Daniel ang pamamasyal.

Lalo pa nga’t dito sa bansa, literal na araw-araw lang sila nagte-taping.

Kinikilig din ang mga Pinoy na nakakakita sa dalawa at kahit nga raw saan magpunta ang mga ito, may mga Pinoy na nakasunod dahil bago pa man sila dumating, talagang marami na ang naghihintay sa kanila.

Chynna, parang hindi nanganak!
Kean, itinangging itinatago ang anak nila ni Chynna!

Sa era raw ngayon ng internet, hindi mo na raw masasabi, kaya para kay Kean ­Cipriano at maging sa wife niya na si Chynna ­Ortaleza, mas gusto nilang protektahan ang anak at family nila.

At the same time, to give their daughter a choice. Ito ang isa sa mga reason kung bakit ­hindi nila ina-out kahit sa mga social media nila ang ­kanilang baby girl.

Nakikita naman daw silang dalawa, minsan kasama rin ang anak nila na si Stellar sa labas like they do groceries which means, hindi nila ito itinatago.

Kean at Chynna
Kean at Chynna

Gusto lang nilang bigyan ng privacy ­especially their family. Nasa point si Kean na bilang mga ­artists, siyempre ay gusto rin daw nila na ang pag-usapan sana sa kanila ay ang mga trabahong ginagawa nila.

“I’m sure you’ll protect your family as you can. Choice namin ‘yan. If you’ll ask me sa pressure, wala kaming pressure na nararamdaman.”

Halatang proud naman si Kean sa Misis sa mga naririnig na papuri tungkol dito na parang hindi raw nanganak. Sey niya, “she’s the most beautiful ­woman.”

Pero when asked more about Chynna, nag-beg-off ito at dapat daw si Chynna na lang ang tanungin.

Tuluy-tuloy naman ang mga projects ni Kean bilang isang actor. ‘Yung huling movie niya na Love is Blind ay nasundan na naman ito ngayon ng That Thing Called Tanga Na para sa ­kanya, mas sobrang laugh trip daw ­dahil halos lahat sila nina ­Martin Escudero, Eric Quizon at Billy Crawford ay mga ­bading.

Para kay Kean, naging tanga na raw siya sa pag-ibig, pero mas gusto niya itong tawagin na mas nabaliw siya kesa sa naging tanga kaya ngayon, he’s definitely a lot better.

Jessy, hot na hot sa intriga!

Ang hot sa ka­seksi­han bilang FHM Sexiest Woman na si Jessy Mendiola na hindi lang yata hot sa kaseksihan nga­yon kung hindi hot din sa mga isyu ngayon ay patuloy namang nagpapa-cool sa afternoon comedy gag show na Banana Sundae.

Kasama ni Jessy rito ang buong barkada ng Banana Sundae na ilang taon na rin namamayagpag. Nandiyan sina Pokwang, Pooh, John Prats, Sunshine Garcia, JC de Vera, Jason Gainza at Angelica Panganiban.

Sa gabi naman ang  nakakaaliw at ta­lentadong mga bata ng Goin’ Bulilit. Tuwing Linggo sila napapanood na magandang pang-relaxs at pang-good vibes bago magsimula ng bagong Linggo.