ANSABEEEH???: Ellen at John Lloyd, lantaran na ang relasyon!

Ellen, laman ng tunay na IG ni John Lloyd!

By

Dahil ba sa lumabas na mga ­videos ni John Lloyd Cruz, heto’t tila naging daan ito para mas maging open na sina John Lloyd at ­Ellen Adarna sa kung ­anuman ang meron sila.

Of course, kung naghihintay tayong lahat ng kumpirmasyon mula sa kanila na “yes, kami po,” baka naman hindi na natin marinig yun or matagalan kung sakali man.

Hindi na action speaks louder than word nga­yon, kundi post speaks louder than confirmation na ‘no!

Anyway, ang sipag ni John Lloyd na mag-post sa kanyang @ekomsi Instagram account na in a few days, hindi na rin kami magugulat kung hahamig ito ng maraming followers dahil nabulgar na nga na kanya talagang IG account.

Nagpu-post na si John Lloyd ng picture ­mismo ni Ellen or mga IG stories niya mga ganap nilang dalawa outside work.

Nandiyang nasa may ­hotel sila at tinanong pa ang guard kung ano raw ang ­pangalan ng aso na sinagot ng guard na, “John Lloyd.”

Biniro pa nito si John Lloyd na ayaw raw rito nga aso at siya ang gusto, then next, kita na sa ­video na nakahiga sa floor si John Lloyd katabi ang aso habang nag-peace sign.

Binasa namin ang comments ng mga netizens sa parehong IG accounts nina John Lloyd at Ellen at sa totoo lang ha, kung pagbabasehan ang mga comments sa IG nila, gusto naming isipin na okey ang relasyon nila sa mga netizens.

Katwiran nila, kung saan maligaya ang dalawa, doon sila. May nabasa pa nga kaming sana raw, sila na nga ang magkatuluyan. Pero siyempre, hindi pa rin naman nawawala ‘yung against kay Ellen for John Lloyd.

Meron din mga comments na, “Tamang hinala naman pala si Julie sa‘yo Romeo dahil kay Tanya.”


Sina Julie, Romeo at Tanya ay ang mga karakter na ginagampanan nina Toni Gonzaga, John Lloyd at Ellen sa kanilang Saturday night sitcom na Home Sweetie Home sa ABS-CBN.

Miles, ilang na ilang sa John Lloyd-Ellen topic!

First movie ni Miles Ocampo sa Regal ang The Debutantes kasama ang ibang It Girls of Horror na sina Sue Ramirez, Jane de Leon, Michelle Vito at Chanel Morales.

Halatang ilang na ilang at hindi makapag-react si Miles Ocampo nang matanong ito sa presscon ng movie tungkol kay John Lloyd Cruz.

Si Miles kasi ay masasabing isa sa mga Kapamilya stars na malapit kay John Lloyd dahil ilang beses na niya itong nakasama sa Star Cinema movies, bukod sa mula umpisa, magkasama sila sa Home Sweetie Home.

In fact, si John Lloyd nga ang isa sa wish ni Miles na makasama pa rin sa pelikula at kung mabibigyan ng chance, maging leading man din niya bukod sa sinasabi niyang showbiz crush niya na si Sam Milby.

Inilalayo ni Miles ang sagot nang tanungin na ito tungkol kay John Lloyd at sa lumabas na video. 

Sabi na lang niya, hindi naman din siya ang tamang tao na kailangang magsalita ng anuman tungkol dito o magbigay ng anumang opinyon.

Naniniwala naman si Miles na dahil nga sa social media ngayon, mas nama-magnify na halos lahat ng ginagawa ng mga artista.

Thankful naman daw siya dahil sa Star Magic, tini-train naman sila at palaging pinapaalalahanan sa mga pinu-post nila.

“Malaya naman po kaming i-post kung ano ang gusto naming i-post. Pero siyempre kapag parang ay dapat hindi namin pinost yun, nakakatanggap po kami ng advice mula sa mga R.M. (road manager) at handler namin. 

Yun po ang maganda sa Star Magic, kahit sa simpleng bagay sa social media, tutok po sila sa amin.”

SHARE