Una sa Balita

ANSABEEEH???: Dyowa ni Yasmien, nagselos sa ‘PANGIT’!

By
Yasmien, Rey at Ayisha
0 7

Respect, trust and loyalty daw ang mga sikreto nina Yasmien Kurdi at ng asawa niyang piloto na si Rey Soldevilla sa kanilang relasyon.

Kung tutuusin kasi, sampung taon na silang mag-dyowa. Matagal na silang magkarelasyon bago pa man sila nagpaka­sal at magkaroon ng anak.

At kahit na dati pa siyang nasa showbiz at long-distance relationship na rin daw sila, hindi raw naging isyu sa kanila ang loyalty. Mas selosa pa nga raw siya kesa sa Mister.

Nadulas naman siya nang sabihin na nagselos pa raw ang asawa sa “pangit.”

Sey niya, “Naku, sorry, sorry po. Nagkasala na naman ako. Pero sabi ko sa kanya, Pangga, ‘wag ganyan.  Kung magseselos ka, bigyan mo naman ako ng konting taste.

“Eh, mahilig talaga ko sa guwapo. Guwapong Pinoy. Kaya sabi ko sa kanya, bigyan mo naman ako ng konting taste. Kung magseselos ka, ‘yung malapit-lapit sa ‘yo, ‘wag yung malayo.

“Nakaka-insulto! Ha! Ha! Ha!”

Confident naman si Yasmien na hindi siya matutulad sa ibang showbiz marriages na nauuwi sa hiwalayan.

Katwiran niya, “I’m confident as long as si God ang center of our relationship. At saka, natatakot kami sa sin and ‘yung anak namin, ‘di ba?”

Si Yasmien ang bida ng afternoon prime na Sa Piling Ni Nanay. Sa ngayon, hindi pa raw niya alam ang kakahinatnan ng kanyang karakter, pero sigurado siyang malayo pa ang tatakbuhin nito.

Kahit na aping-api ang role niya bilang surrogate mother, enjoy daw siya sa taping dahil mga kabarkada na niya halos lahat, lalo pa nga at kasama niya ang mga co-StarStruck alumnae na sina Mark Herras at Katrina Halili.

Toni, non-stop sa work kahit bundat na!

Kung ang ibang artistang babae na nabubuntis ay tila nagtatago na sa sa camera, iba si Toni Gonzaga or iba na ngayon?

Bukod kay Toni, ang iba pang nagbuntis din tulad nina Marian Rivera, Bianca Gonzales at Iya Villania ngayon ay mga aktibo pa rin sa telebisyon hanggang sa week before they give birth yata.

Toni Gonzaga
Toni Gonzaga

So, si Toni, ganun din. Mukhang kaibahan lang niya, hindi lang siya sa paghu-host visible since tuloy-tuloy pa rin siya sa PBB, may sitcom pa rin kasi siya na Home Swee­tie Home tuwing Sabado na kasabay din sa paglaki ng tiyan niya ang kuwento.

At kasabay din sa panganganak niya ang mangyayari rito at may guessing game na nga kung ano ang magiging anak niya sa sitcom nila ni John Lloyd Cruz.

Para kay Toni, ang pagta-trabaho na raw niya ang pinaka-exercise niya habang buntis na may consent naman ng O.B. niya.

Anyway, kaibahan naman sa totoong buhay dahil kung may contest siguro sa pagitan nina Toni at ng Mister niya na si Direk Paul Soriano, winner na winner si Toni dahil nasunod ang gusto niyang first baby.

Baby boy ang magiging panganay nilang anak kaya happy si Toni. ‘Yun talaga ang wish niya bilang pareho silang babae ng kapatid na si Alex Gonzaga while sina Direk Paul naman ay all boys.

Christian, hindi nag-ala-Jaya at Jonalyn!

Kung ‘yung ibang Kapuso singers ay nangibang bakod na at ngayo’y mga Kapamilya stars na tulad nga nina Jonalyn Viray at ang recent ay si Jaya, si Christian Bautista naman na dating Kapamilya, heto’t pumirmang muli ng kontrata bilang Kapuso.

Sa contract signing daw, naging vocal si Attorney Felipe L. Gozon na hanga siya kay Christian.

Bukod naman sa Encantadia, magiging part din si Christian ng bagong show ng GMA-7 na feeling namin, musical-reality show ito at mga out-of-the-country shows ng GMA Pinoy TV.