Una sa Balita

ANSABEEEH???: DYOWA NI GEOFF NA SI MAYA, BUNTIS NA!

By
0 5

Sayang at hindi na namin inabot si Geoff Eigenmann nang dumating kami sa ika-walong anibersaryo ng PPL Entertainment at kauna-unahang namang PPL Live sa kanilang Facebook account na PPL Entertainment, Inc. kaya hindi na namin ito na-follow-up pa ng mga tanong.

Pagkatapos nga na official na umamin ni Geoff sa magkasabay na interview nila ni Gabby Eigenmann sa PPL Live na malapit na nga siyang maging Tatay, kinailangan din daw nitong umalis agad para puntahan ang girlfriend na si Maya.

Ika-36th weeks na ng pregnancy ni Maya kaya posibleng in 2-weeks time ay manganak na ito.

Ibinitin pa ni Geoff ang gender ng magiging anak kaya may aabangan pa rin sa PPL Live kung baby girl or baby boy ba ang unang magiging anak nila ni Maya.

Ayon kay Geoff, hindi naman daw nila inilihim ang pagbubuntis ng girlfriend. Open at alam ito ng pamilya niya at mga kaibigan.

Hindi nga lang daw sila ma-post talaga sa social media. Pero nu’ng opisyal na umamin na, tila naging hudyat na rin ‘yun para ipaalam sa mga Instagram followers nila.

geoff-eigenmann-mayaMarami namang artista ang nagpahatid ng pagbati sa dalawa although, hindi nawala ang pagkagulat ng ibang netizens na buntis si Maya at super-laki na ng tiyan nito base sa ibinahagi nilang photo shoot.

May picture si Maya na naka-underwear lang ang suot habang nakatakip lang ng palad niya ang kanyang dibdib.

Ilan sa netizens ang nagtanong kung paano na raw si Migz. Si Migz Haleco ang Star Records singer na ka-duo dati ni Maya kaya inakala siguro ng iba na mag-dyowa ang mga ito. 

May ilan naman kaming nabasa na sayang at taken na raw pala talaga si Geoff.

Anyway, proud Daddy na nga raw si Geoff na ipinapakita rin ang ultrasound picture ng magiging baby niya.

Roxanne-Will movie, walang gustong patunayan

Nagkaroon ng special screening ang Cine Lokal entry na I Found My Heart in Santa. Fe na pinagbibidahan ng real and reel sweethearts na sina Will Devaughn at Roxanne Barcelo sa SM The Block.

Sabi nga ni Roxanne, “Feel good lang ang movie, parang mai-in-love ka lang, walang gustong patunayan.”

True enough, kahit sabihin pang indie movie ito, hindi nga naman siya yung nagpapaka-deep pa. 

Please read this mga beshie!☀️ Remembering all that Will and I have gone through together, I would have never imagined that we would be producing films… This project was a real blessing from God through our friends from @BluArtFilms Ms. Lyn and Direk Bona Fajardo. Not only have we learned alot about film making through you two, but also what true love and partnership is all about. This film was made with pure love, hopes, and dreams. And I am so emotional when I say, I can't wait to share this with all of you. I have done many roles in my life and if there is one project I would like you all to see… it would be this one. I'm excited to announce that our first co-produced film will be premiered in Megamall on September 12! Please follow @heartinsantafe for more updates and for your chance to win special prizes, gifts, lots of gifts, tickets, and even get a chance to fly to Santa Fe! 🌴🌞❤️ @roxannebarcelo #IFoundMyHeartInSantaFe #WilRox #SantaFe #Cebu I love you all mga beshie!

A post shared by roxannebarcelo (@roxannebarcelo) on

Pero puwede kang lumabas ng sinehan na feeling happy and in-love dahil sa mga karakter ng dalawa.

Malaking factor rin ang mga old songs na maririnig sa kabuuan ng pelikula at ang dalawang kanta ni Roxanne na siya mismo ang umawit na bumagay naman talaga sa movie.

At siyempre, ang mismong  location ng movie which was in Santa Fe in Bantayan Island.

Na sana nga marami ang manood at ipagkalat kung gaano kaganda ang naturang lugar sa Cebu.

Inamin ni Roxanne na kabado raw siya mula sa umpisa hanggang sa matapos ang screening.  Iba raw pala ang kaba kapag co-producers din at hindi lang mga artista.

Si Will naman, natawa kami sa naging experience niya bago ang special screening nila.

“Sobra! Hindi ako nakatulog kagabi so hindi lang talaga kaba yung naramdaman ko.”

Pero all in all, halatang masaya ang naging experience nina Will at Roxanne sa pagkakagawa ng I Found My Heart in Santa Fe dahil may naka-line-up na raw silang susunod na gagawin at kunsaan, co-producers pa rin sila.