Una sa Balita

ANSABEEEH???: DINGDONG, RATSADA SA 3 PROJECTS NGAYONG JULY!

By
0 8

Ayon kay Dingdong Dantes, apat na buwan daw siyang nagpahinga sa paggawa ng teleserye, pero simula ngayong July, tatlo naman ang sabay-sabay niyang gagawin.

Ang pelikula nila ni Anne Curtis sa VIVA na Sid and Aya, ang pagsasamahan nila bilang magkakapatid nina Aga Muhlach, Enrique Gil at Cristine Reyes na 7 Sundays ng Star Cinema at ang pagsisimula niya ng taping ng Alyas Robin Hood 2 ng GMA-7. 

“Pinahinga ko ng apat na buwan, pero sabay-sabay naman sa second half of the year. We are not in control naman kung ano ang blessing na dumating but what we can do is manage it properly,” saad niya.

Excited nga si Dingdong sa lahat ng projects niya na sabay-sabay niyang gagawin. Sila raw ni Anne ay mga bagets pa noong magkasama, halos pare-pareho silang nagsisimula pa lang.

While excited naman siya to be working with the cast of Seven Sundays at ang Book 2 nga ng ARH.

Nagsimula na rin ang misis niya, si Marian Rivera ng taping ng pagbabalik primetime serye niya, ang The Good Teacher.  Eh, sinasabi nila noon na hangga’t maaari, hindi sila magkasabay ng trabaho para may maiiwan pa rin sa anak nila na si Zia.

Sinigurado naman ni Dingdong na kahit pareho silang busy ngayon ni Marian sa trabaho, may oras pa rin sila para sa anak. Aniya, “Ganun pa rin.  Sini­gurado pa rin namin na ang oras namin ay alternating para isa sa amin ay magpatuloy.”

SANYA LOPEZ, ‘NATATAWA’ SA HAPLOS NI ROCCO NACINO! 

Rocco Nacino at Sanya Lopez
Rocco Nacino at Sanya Lopez

Hindi raw maiwasan ni Sanya Lopez na kabahan pa rin o ma-pressure sa bago niyang character bilang si Angela sa Haplos. Feeling niya raw, nandoon pa rin sa mga manonood na ang tingin sa kanya ay si Danaya.

Mas madrama raw kasi ang Haplos while ang Encantadia naman ay mas fantasy.

Siyempre, dahil nga nagtuluy-tuloy na ang loveteam nila ni Rocco Nacino na nagsimula sa Enca, hindi maiwasan na marami ang nag-aabang kung mauuwi rin ba sila sa totohanan na or kung may something real na talaga sa kanilang dalawa.

Eh, till now consistent si Sanya sa pagsasabing “NBSB” pa rin siya which is, “no boyfriend since birth” na drama. Pero si Rocco raw, talagang mas close na sa kanya ngayon. 

“Yung level namin, nandoon na kami sa sobrang close to the point na nagkukuwentuhan na kami sa mga secrets namin. So, nandoon na ‘yung nagsi-share na ng mga problema. Nagtutulungan na kami ng mga problema, nan­dun pa lang.”

Para rin naman kay Rocco, ang Kapuso female star rin daw ang closest sa kanya ngayon at nai-inspire siya nito.

Natawa naman si Sanya nang tanungin namin kung kumusta naman ang “haplos” sa kanya ni Rocco.

“Okey naman po. Ha! Ha! Ha! ‘Yung haplos niya naman po ay palaging may pag-aalaga. Nandiyan siya palagi para sa akin para suportahan ako.

“Para i-remind ako sa mga dapat kong gawin. Sometimes kasi, hindi natin maiwasan na makalimot. Nandiyan siya para suportahan ako.”

Sa mga nabitin sa kissing scenes nila ni Rocco sa Enca, ngayon ba sa bago nilang afternoon prime na magsisimula sa July 10, wala ng pagka-bitin?

 “Sa script, wala pa namang masyado. Pero me­ron nu’ng umpisa as in, isa sa dapat nilang abangan.”

JOHN LLOYD AT ANGELICA, MADALAS MAGKA-DATE!

Dahil sa dalas na makitang magka­sa­ma nina John Lloyd Cruz at Angelica Pa­nganiban, marami ang nagsasabing nagkabalikan na raw ang dalawa. Hindi na nga tanong kung nagbalikan ba o kung hindi, parang statement na nagkabalikan na nga.

 Pinaka-recent nga ang nakaraang birthday party ni John Lloyd na present siyempre pa si Angelica. Hindi pa man nagsasalita tungkol dito either kina John Lloyd or Angelica, mukha naman na happy sila ngayon pareho.

Same goes with John Lloyd’s character in Home Sweetie Home bilang si Romeo na masaya rin sa kanyang mag-ina na sina Julie (Toni Gonzaga) and Baby Sam.

Relatable ang kuwento ng Home Sweetie Home kagabi kunsaan, bilang isang stay-at-home Mom, napagkasunduan ng mag-asawang Romeo at Julie (John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga) na magkaroon ng food cart.

Ipinakita rito na sa kahit anong bagay, meron talagang mga risk at adjustments na siyang nae-encounter rin naman sa totoong buhay.

Marami rin ang siguradong naka-relate at nakakuha ng aral sa kuwento naman ni Miles Ocampo bilang si Gigi sa episode pa rin ng HSH kagabi.

Ngayong Linggo naman, siyempre pa, patuloy lang na manood at makisaya at makitawa sa Banana Sundae tuwing hapon at sa gabi naman ay tampok ang “Food Park” episode sa Goin’ Bulilit.