ANSABEEEH???: DINGDONG, DEADMA SA ‘AWAY’ NINA MARIAN AT ANDREA!

By

Hindi na sinagot ng Kapuso Primetime King at Pepe sa Alyas Robin Hood na si Dingdong Dantes nang matanong ito ng entertainment press sa diumano ay isyu sa pagitan ng Misis niya na si Marian Rivera at ng leading lady pa rin niya sa ARH na si Andrea Torres.

Pero nagbigay ito ng ilang thoughts niya tungkol sa mga pamba-bash, lalo na sa mga artista. Naitanong kasi kay Dingdong kung ano ang reaksyon niya na patuloy pa ring nakatatanggap ng mga pamba-bash si Andrea.

“Karapatan nilang magkomento. Pero minsan talaga sa social media, kailangang ma-regulate rin ang mga sinasabi, pinu-post at ginagawa. Kasi, kapag dumating na sa bashing, cyber bullying na ‘yun. No one deserves to be cyber bullied,” sabi ni Dong.

Naniniwala si Dingdong na ang pagsa-cyber bullying daw ay nauuwi sa iba’t ibang bagay ka­tulad na lang ng depression o may ibang mga kabataan na nagsu-suicide. Ilan daw ito sa mga studies na nagawa rin ng National Youth Commission.

Self-regulation na lang din daw sana at doon makikita kung gaano ka-disente ang isang tao.

Ngayong Lunes na, August 14 sa GMA Telebabad ang pilot airing ng Alyas Robin Hood 2.

Nagtapos ang Alyas Robin Hood 1 nang malaman ni Pepe na may kumidnap sa kanyang ina na si Jaclyn Jose at sa pagnanais niya na mabawi ang ina naman – at all cost daw ang mapapanood naman sa pilot ng Alyas Robin Hood 2.

“Nawala na ang Tatay niya kaya hindi na papayagan ni Pepe na mawala pa rin ang Nanay niya.  Gagawin niya ang lahat para mailigtas ito.”

Kung pressure naman daw ang pag-uusapan kahit naman daw noong nagsisimula pa lang sila, iba ang pressure. So, it doesn’t necessarily mean na dahil book 2 na ngayon, puwedeng makumpara sa book 1 ang gagawin nila.

Bilang actor, ang pinaka-pressure na raw sa kanya ay mai-maintain ang character ni Pepe at the same time, may maipakitang bago sa mga manonood.


Nakuha pang magbiro ni Dingdong na kung may ginawa man daw siyang karagdagang training para sa ARH2, ito raw siguro ang pag-aalaga niya ng anak, si Zia dahil naglalakad at tumatakbo na ito.

“Kapag binitawan mo, parang kailangan mo ng mag-sprint para habulin siya.”

Pauleen, pagkaganda-gandang buntis! 

Napaka-blooming ni Pauleen Luna na buntis. Noong wedding nga nina Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, dahil required na black gown ang suot ng mga bisitang babae, hindi halos mahahalata agad na preggy si Pauleen, lalo na kung hindi mo alam na ilang buwan na lang ay isisilang na niya ang first baby nila ni Bossing Vic Sotto.

Baby girl ang magiging anak nila at ‘di ba nga, madalas na kasabihan na kapag babae ang anak, maganda ang Nanay na buntis. Wala naman daw preference sina Pauleen at Vic sa magiging gender ng baby nila as long as healthy siyempre ang baby at ang pregnancy niya.

And seeing Pauleen na parang magaan naman magbuntis at happy, no doubt na prayer answered na talaga sila.

Toni, may bagong negosyo! 

Aba, parang role lang din talaga ni Toni Gonzaga sa kanilang Saturday night sitcom ni John Lloyd Cruz, ang Home Sweetie Home ang ilang mga bagong kaganapan nga­yon sa personal na buhay ni Toni.

Kamakailan lang ay binuksan niya ang bago niyang business, ang Happy Cup sa malapit sa ABS-CBN. Okey nga naman ang location dahil madalas rin naman siya sa Kapamilya network, madali para sa kanyang mabisita ang store.

Plus factor rin na kilala si Toni ng mga malalapit niyang kaibigan na mahilig mag-bake and from time to time, may mga bine-bake siya mismo na puwedeng mabili at matikman ng mga customer.

Eh, ‘di ba sa HSH, since nagdesisyon na nga sila ni Romeo na mag-resign na siya sa work at mas tumutok sa baby nila, ang pagnenegosyo habang nasa bahay naman ang ginagawa niya.

Tuwing Sabado ng gabi nga napapanood ang isa sa mga consistent top-rating sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home at ngayong Linggo naman, after ng ASAP ang Banana Sundae tampok sina Pooh, Jason Gainza, JC de Vera, John Prats, Angelica Panganiban at iba pa.

At para makumpleto ang weekend katatawanan, ang mga talentadong bata naman ng Goin’ Bulilit ang makakasama sa gabi ng Linggo.

SHARE