Una sa Balita

ANSABEEEH???: Daniel-Kathryn, aminadong natalakan ni Lamasan!

By
0 1
daniel-kathryn
             Daniel at Kathryn

May mga balitang talagang inilabas nang husto ni Direk Olivia­ Lamasan ang acting­ at emosyon nina Kathryn Bernardo­ at Daniel­ Padilla sa pelikulang Barcelona,­ A Love Untold.

To the point nga raw na talagang nasisigawan o nakakagalitan na niya ang mga ito para lang ma-motivate nang husto.

Nakangiting pag-amin naman ni Kathryn nang tanungin namin. “Pigang-piga, as in! Wala rito, all-out. Kapag kay Direk Olive, alam po talaga niya kung paano mapapalabas ang emosyon gaano man kagaan o kabigat ang scene.

“Grabe po ang guidance ni Inang sa amin sa mo­vie na ito. Talagang grabe po ang pasasalamat namin at siyempre, lahat ng artista, gustong maka-trabaho si Inang.”

Inamin din ni Kathryn na nakakagalitan din silang talaga kapag may mali silang nagagawa. Dapat daw tama ang paglakad, ultimo paghinga.

Kuwento naman ni Daniel, nahirapan daw siya sa pagme-memorize lalo na sa mga quotable quotes niya rito. May scene pa raw na nakarami siya ng takes.

Biro ni Daniel, “Naka-400 yata! Basta marami!”

Marami naman na ang excited sa showing ng movie ng dalawa at kung ano nga ba ang mga bagong makikita sa KathNiel at kung paano masasabing nag-mature at nag-level-up na sila bilang mga actor at actress.

***

Wala pa raw nakikilala o nakaka-encounter si Lovi Poe ng tao na may Alzheimer’s­ disease.

May Lola raw siya na 80+ years old na pero okey naman daw ito at walang Alzheimer.

max-tom-lovi
Max, Tom at Lovi

Pero dahil sa bago niyang primetime series sa GMA-7, ang Someone To Watch Over Me, napapraning daw siya at natatakot lalo na raw kapag nagbabasa siya ng script.

“I’m so forgetful kasi so everytime I read, I feel so anxious.”

Espesyal kay Lovi ang bago niyang serye dahil una raw, ang attack nila rito ay ‘yung real life talaga, kung ano ang nangyayari sa real life. At sa sobrang inspired ni Lovi, nakagawa rin siya ng kanta para sa Someone To Watch Over Me.

Sumulat siya ng kanta na puwedeng gawing theme song o isa sa theme songs ng soap, ang title ay Sana’y Maalala.

Ipinarinig sa amin ni Lovi ang sinulat na in-arrange at kinanta naman ni Nars Cabico. Ang ganda ng lyrics at bagay na bagay sa soap nila.

Kahit si Tom Rodriguez, nang mari­nig daw ito ay sobrang tuwang-tuwa. Bukod sa inspire siya sa bagong serye, collective na rin daw na siyempre, alam naman din na may mga pinagdaanan siya sa nangyaring break-up nila ni Rocco Nacino, na mga hugot niya. Bata pa lang siya ay nagsusulat na siya ng kanta.