Una sa Balita

ANSABEEEH???: Bashers ni Jessy Mendiola, tinarayan ng nanay!

By
Jessy Mendiola
0 9

Nakakaaliw na nakakaloka na talaga ang social media ngayon.

Kung noong dati, ang halos may access o inte­rest lang dito ay mga kabataan, ngayon talaga, wala ng pinipiling edad, halos lahat, may mga sariling social media accounts.

And yes, halos hindi na rin masyadong nagkaka-bonding ang mga tao ngayon dahil sa social media na lang dinadaan ang mga kuwentuhan at mga salitang gustong ipa­rating.

Ngayon din, hindi na lang mga artista ang maraming followers, kahit ang mga Nanay o Tatay nila, may mga sariling Instagram accounts na rin.  At siyempre, pina-follow rin ng mga fans at netizens.

Hindi na namin iisa-isahin ang mga Nanay ng mga sikat na youngstars din ngayon na active sa Instagram at yung iba, talagang nagkakaisyu ang mga anak dahil siguro bilang Nanay, hindi mapigilang pumatol sa mga bashers ng mga anak.

Ang recent ngayon ay ang FHM Sexiest at Banana Sundae mainstay na si Jessy Mendiola.  May nangba-bash kasi rito at maaa­ring hindi pa rin matanggap na si Jessy nga ang nanalo sa lahat sa pagiging FHM’s Sexiest.

May nang-bash sa mismong Instagram account ni Jessy na kesyo ang laki raw ng hita nito sa Banana Sundae kaya raw pala ‘pata’ ang tawag sa kanya at kung anu-ano pang pangba-bash.

Hindi nakatiis ang Nanay ni Jessy na si Didith Garvida kung hindi ang idepensa ang anak sa mga nangba-bash. Pero sa pagsagot nito sa basher, lumabas ang taray ng Mommy ng Kapa­milya star at sinabi nga nitong ang anak na ang nanalo kaya “eat your heart out” na lang sa mga bashers.

At aliw na lang din ang isa pang quote niya na, “Dami nyo problema di mag FHM kayo!”

Tama ang hula kay Janice de Belen!

Tama ang naging hula ng ilang press nang magkaroon ng presscon ang indie movie na Ringgo, The Dog Shooter na malaki ang posibilidad ni Janice de Belen na manalo ng Best Actress sa movie.

Ja­nice de Belen
Ja­nice de Belen

At para kay Janice nga, ito ang pinaka-daring, pinaka-challenging movie na nagawa niya sa ilang dekada na rin naman niya sa pag-arte kunsaan, gumanap siyang isang lesbian at may love scene kay Liza Diño.

Nanalo nga si Janice na Best Actress sa WPFF (World Premiere Film Festival) na ginanap noong Linggo ng gabi. Nanalo rin si Sandino Martin bilang Best Actor at ang movie ng 2nd Best Picture at best screenplay naman para kay Ricky Lee.

Yun nga lang, sayang at hindi personal na nakuha ni Janice ang trophy niya. Inisip pa nga namin na baka may taping ito ng mor­ning serye niya sa ABS-CBN na Be My Lady kaya hindi nakarating.

May family affair daw at dati pa ay nakapag-abiso ng hindi makararating.  Totoo naman dahil nakita namin ang mga postings nilang pamilya sa kanilang social media accounts na mukhang nagkaroon ng family cooking and ba­king bonding. Hindi lang malinaw sa amin kung sino ang may kaarawan noong Linggo.

Anyway, ang natanggap na Best Actress award ni Janice kung hindi kami nagkakamali ay pang-apat na niya sa buong acting career niya.