Una sa Balita

ANSABEEEH???: BARBIE, ‘MAALAGA’ KAY JAK!

By
0 154

Kung may weakness daw si Jak Roberto sa isang babae, ito ay ang pagi­ging mestiza. Nangiti si Jak nang aminin ito kaya mukhang hindi malayong magkatotoo ang pagkaka-fall na niya kay Barbie Forteza sa primetime series nila na Meant to Be in real-life. Plus factor pa nga na matagal na silang magkakilala at magkaibigan.

“Alam niyo po si Barbie, one of the boys ‘yan. Siyempre, ayokong magsalita ng patapos.  Basta… Ha! Ha! Ha!”

Ang pagiging maalalahanin daw ni Barbie ang isa sa nadidiskubre niya rito ngayong madalas o halos araw-araw na nga silang magkasama. Nang magpunta kami sa taping ng MTB, may kuliti sa isang mata si Jak. Kuwento nito, panay raw ang panga­ngamusta sa kanya ni Barbie at tinatanong din kung ano ang gamot na inalalagay niya.

“Pinapayuhan niya ko kung ano ang mabilis na magpagaling, hot compress, cold compress. Ganun po siya ka-maalaga at ka-maaalalahanin.”

Pero mukhang marunong mag-balanse si Barbie. Hindi raw matantiya ni Jak kung kanino sa kanilang apat mas nakikitaan niya ng closeness o sweetness si Barbie.

“Balanse po eh, balanse talaga siya sa aming ­apat ng pagbibigay niya ng atensiyon o oras kaya hindi ko po talaga masabi.”

Sa ngayon, isa si Jak sa sobrang saya dahil sa pagiging consistent top-rater nila sa primetime. Bukod pa ang mainit palaging pagtanggap sa kanila ng mga tao kahit saan man daw sila magpunta.

To which for sure, ngayong Linggo, March 12, dadagsain na naman sina Jak, Addy Raj, Ivan Dorschner, Ken Chan, Mika dela Cruz at Barbie sa SM City San Jose del Monte Bulacan.  Sa March 19 naman makakasama rin nila si Sef Cadayona sa Ro­binsons Place Gen. Trias Cavite naman.

Pie Face sa Bulilit!

Malapit na nga ang summer o ramdam na ramdam na ito ngayon dahil una na, mainit na rin ang weather. Pero mas na-feel namin ito sa naging episode ng Home Sweetie Home kagabi kunsaan, biglang nakapag-bakasyon sa probinsiya si Romeo (John Lloyd Cruz) dahil sa pagsama nito kay Obet (Jobert Austria) at tingnan ang minanang lupa.

Biglang back to basic sila, walang kuryente, walang tubig, walang wifi kaya pansamantala ay na-enjoy nilang talaga ang simpleng buhay.

Ito ‘yung sinasabi na kagandahan ng sitcom na ito nina John Lloyd at Toni Gonzaga, kahit na katatawanan ang hatid, kada-episode, siguradong may kukurot sa puso mo sa minsan ay nakakaligtaan na sa takbo ng buhay ngayon.

Ang HSH ang nagpapa-alala ng mga values, mo­ral at kasimplehan ng buhay na minsan ay nate-taken for granted natin.

At tuwing weekend, tuluy-tuloy ang kasiyahan dahil ngayong Linggo naman, ang Banana Sundae tuwing hapon at ang Goin’ Bulilit sa gabi kunsaan, isa sa segment nila ang Pie Face Showdown na uso rin ngayon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy