Una sa Balita

ANSABEEEH???: ANNE AT SOLENN, SABAY MAGPAPABUNTIS SA 2019!

By
Anne Curtis
0 3

Excited na rin si Solenn Heussaff para sa kanyang kapatid na si Erwann Heussaff at sa kaibigan niya na si Anne Curtis sa nalalapit na kasal ng mga ito.

Isa sa mga tatayong bridesmaid si Solenn sa wedding at happy raw siyang talaga na the two end up together.

“I love Anne!” sey ni Solenn.

At dahil wala pa sa plano nina Solenn at ng mister niya na si Nico Bolzico ang magkaroon na ng anak, hiniritan namin siya na baka mauna pa sa kanilang magkaroon ng baby ang kapatid at si Anne.

Confident naman si Solenn na hindi raw sila mauunahan nina Erwann at Anne dahil ang alam niya raw, mga two years pa raw ang plano ng dalawa bago mag-baby. At sana nga raw sabay na lang silang mabuntis at magkaroon ng anak.

“Gusto ko nga sabay kami, para same lang ang age ng mga anak namin. Para sabay sila na lalaki and kapag may bakasyon, same lang din.”

Happy naman si Solenn sa role niya ngayon sa primetime fantaserye na Alyas Robin Hood bilang si Iris. Marami raw kasi siyang lines na English bilang rich naman ang role niya.

‘Yun inaakala naming baka matagal pa ang pagsu-showdown nila ni Andrea Torres, nagsimula na noong isang gabi. Habang parehong halos konti lang ang mga kasuotan e, nagsimula nang magparunggitan sa isa’t isa.

Siyempre, imbyerna si Andrea bilang si Venus dahil narinig niyang sina­sabi ni Solenn as Iris na tipong mapo-fall din sa kanya si Pepe na ginagampanan ni Dingdong.

So, for sure, marami pang paghaharap, tarayan, at patalbugan ng kaseksihan ang dalawa sa ARH.

Ellen, pinagseselosan ni Toni kay John Lloyd!  

Patuloy ang pagseselos ni Julie kay Romeo dahil kay Tanya. Sina Julie, Romeo, at Tanya ay ang mga character nina Toni Gonzaga, John Lloyd Cruz at Ellen Adarna sa Saturday night sitcom ng ABS-CBN na Home Sweetie Home.

Eh, matagal-tagal na rin na iba ang hinala ni Julie kay Tanya, na tuloy naaliw kami sa mga nababasa naming comments sa social media na talagang sumusubaybay sa Home Sweetie Home na “tamang hinala” raw pala itong si Julie kay Tanya.

Kaugnay nga ito ng videos at mga pictures na magkasama sina John Lloyd at Ellen.

Anyway, kung anuman ang personal na relasyon meron sina John Lloyd at Ellen, siyempre, iba naman pagdating sa HSH dahil kahit may mga selosan at tampuhan bilang mag-asawa, ilang taon na rin na solid sina John Lloyd at Toni talaga. 

Tutukan naman ngayong Linggo ang sampung taon ng napakasayang samahan ng Banana Sundae sa hapon at ang undisputed kiddie gag show na Goin’ Bulilit.