Una sa Balita

ANSABEEEH???: Angelu, cool na tinanggap ang sakit niyang ‘Bell’s Palsy’

By
0 44

Naniniwala kaming dahil sa malalim na pagkakakilala na ni Angelu de Leon sa kanyang pananampalataya bilang isang Kristiyano kaya naman kahit na masasabing may pagsubok sa kanya ngayon, nagagawa pa rin nitong maging cool at positibo.

Naunang naramdaman ni Angelu na there’s something wrong with her habang nasa bakasyon sila sa Boracay.

Pero maagap siya sa mga dapat niyang gawin at naka-recover naman siya, although, nandoon ang thought na baka nagkaroon daw siya ng mild stroke.

Kamakailan lang, nag-post si Angelu ng picture kunsaan, nagpa-check siya dahil kahit nag-i-smile raw siya, parang hindi nagmu-move ang face niya at hindi rin daw nagku-close ng buo ang isang eyelid niya.

‘Yun pala, naranasan na dati ni Angelu ang magkaroon ng bell’s palsy. Nagpa-MRI siya to rule out daw na hindi stroke ang nangyari sa kanya sa Boracay.

Kagagaling lang ni Angelu at ng Mister niya sa Europe kunsaan, ilang bansa rin ang pinuntahan nila then, few days lang, Boracay naman sila with her Mom and her daughter, Nicole na nag-celebrate ng birthday.

Posible raw na ‘yung weather at pagod na rin ang dahilan ng pagkakaroon niyang muli ng bell’s palsy.

Sa isang banda, ang positive spirit ni Angelu na isini-share niya rin sa mga followers niya ang nangyayari sa kanya at kung paanong ipinapakita niya ang lalim ng faith niya ay nagiging inspirasyon pa siya sa mga nakakabasa.

Nathalie, iniwan ng dyowa dahil kay JC!

Nathalie Hart
Nathalie Hart

Dahil sa pelikulang Tisay (Cinema One Originals), nag-break si Nathalie Hart at ang Lebanese boyfriend nito of four months. Malaki raw kasi ang pagtutol ng boyfriend sa naging love scene nila ni JC de Vera sa movie.

Kaya nakukuha pang biruin ni Nathalie ang leading man na ito raw ang dahilan kaya nag-break sila ng boyfriend at single siya ngayon. Pero okey na raw kay Nathalie na nag-break sila dahil napakahirap naman daw ng may karelasyon nga siya, pero hindi naman naiintindihan ang trabaho niya.

Eh, ngayong magaganda nga naman ang nangyayari sa kanya, trabaho lang daw ang talagang una sa priority niya.

Anyway, mukhang mabenta talaga sa foreigner ang beauty ni Nathalie. Hindi nakarating sa IMFF ang nanalong Best Actor mula sa Spain. Pero sinearch siya nito sa Facebook, nag-congratulate sa kanya si Andrea Muñoz at ini-add din siya sa FB. Wish din nito na magkaroon ng chance na magkita raw sila. O ha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy